Kakai Bautista, ibinahagi ang kuwento niya bilang ‘wardrobe girl’ ni Lea Salonga noon

Imahe mula sa Instagram | Kakai Bautista
  • Nag-post si Kakai Bautista ng lumang larawan kasama ang Broadway Diva na si Lea Salonga
  • Kinuwento niya na noon ay wardrobe girl siya ni Lea at siya ang naglalaba, nagpaplantsa, at nagbibitbit ng mga damit nito
  • Ibinahagi rin niya ang mga paghihirap na pinagdaanan na ngayon ay ipinagpapasalamat na niya sa Panginoon
Imahe mula sa Instagram | Kakai Bautista

Nagbigay inspirasyon ang singer-actress na si Kakai Bautista sa ibinahagi niyang kuwento sa kanyang thr0wback post kasama si Lea Salonga sa Instagram. Aniya, taong 2000 daw nang kunan ang larawan at noon daw ay wardrobe assistant pa lamang siya ni Lea.

Bahagi raw ng kanyang trabaho ang labhan, plantsahin, at bitbitin ang mga costumes at damit ni Lea. Maging ang mga damit panloob nga raw nito ay siya ang naglalaba. Hindi niya na rin naiwasang ikuwento ang mga dinanas na pagtitiis dahil sa hirap ng kanilang buhay noong mga panahong iyon.

“Life was very hard back then. I needed to walk from EDSA to AFP Theater. I had to skip meals to save for every day fare to Laguna,” sabi niya.

Naghahati-hati na lamang din daw sila ng mga kaibigan sa isang cup ng noodles.

“Last to sleep, first to rise. My friends and I — naghahati-hati kami sa isang cup ng Yakisoba, ganoon lang. Pero masaya kami,” sabi niya sa post.

Imahe mula sa Instagram | Lea Salonga

Sumagi na rin daw sa isip niya noon na sumuko pero naging inspirasyon niya si Lea.

“There were times I wanted to give up kasi sobrang pagod, pero kapag naririnig ko siyang kumanta, nagigising ang diwa ko,” sabi ni Kakai.

Malaking bagay raw para sa kanya na araw-araw niyang nakikita si Lea at nakakasama niya ito tuwing may show.

Ngayon ay hindi na lang sa backstage kumikita si Kakai dahil isa na siyang ganap na singer-actress. Kamakailan lamang ay isa si Kakai sa mga karakter ng highest grossing film sa Pilipinas na “Hello, Love, Good bye.”

“I just want to be grateful today and every day for all those hard but fulfilling happy moments. God is truly amazing! He knows what’s best for you,” sabi ni Kakai.

Source :

Instagram

Loading…