Kauna-unahang kopya ng Marvel Comics naibenta sa halagang mahigit P64 million

  • Kauna-unahang Marvel Comics, naibenta sa halagang $1,260,000 o katumbas ng P64,140,300 sa isang public auction sa Texas
  • Ang orihinal na Marvel Comics No. 1 ay nabili ng isang mailman sa halagang 10 cents sa isang newsstand sa Pennsylvania noong October 1939
  • Nananatiling hawak ng Action Comics 1, kung saan unang lumabas si Superman, ang record na “most expensive comic ever sold” na naibenta sa halagang $3.2 million noong 2014.

Isang “extremely rare” at “nearly perfect” na kopya ng kauna-unahang Marvel Comics ang naibenta sa halagang $1,260,000 o katumbas ng P64,140,300 sa isang public auction sa Dallas, Texas noong Huwebes, ika-21 ng Nobyembre.

Imahe mula sa Heritage Auctions

Ayon sa Heritage Auctions, ang auction house na nagsagawa ng subastahan para sa mga vintage comic books, ang naturang Marvel Comics na unang nailimbag noong 1939 ang tinaguriang “granddaddy” ng lahat ng Marvel Comics.

“This is a historic copy of a historic comic book. Without question, this is the granddaddy of all Marvel Comics, without which we would not have the characters and stories we enjoy in today’s comics and feature films,” pahayag ni Ed Jaster, senior vice president ng Heritage Auctions.

Ang orihinal na Marvel Comics No. 1 ay nabili ng isang mailman o kartero sa halagang 10 cents sa isang newsstand sa Uniontown, Pennsylvania noong October 1939. Ayon sa press release ng Heritage Auctions, ang nasabing kartero ay may ugali umanong bumili ng first issue ng mga comics at magazines.

Tampok sa Marvel Comics No.1 ang mga karakter na sina Human Torch, Ka-Zar at Angel, gayundin ang isang karakter na tinatawag na Sub-Mariner.

Imahe mula sa Heritage Auctions

Dating hawak ng Amazing Fantasy No. 15 ang record na “most expensive Marvel Comics” na naibenta sa auction. Tampok dito ang first appearance ni Spiderman. Naibenta ito sa halagang $1.1 million noong 2011.

Bagama’t ang Marvel Comics No. 1 ay nakapagtala ng record  sa mga comics na gawa ng Marvel, nananatiling hawak ng Action Comics No. 1 ang record na “most expensive comic ever sold” na naibenta sa halagang  $3.2 million noong 2014.

Tampok sa Action Comics No. 1 ang first appearance ni Superman, na maituturing na “the most popular superhero of all time.”

Imahe mula sa SCPR

Loading…