Kris Aquino, sinagot ang netizen na nagsabing nagiging ‘irrelevant’ na siya

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino
  • Mas pinapahalagahan na ngayon ni Kris Aquino ang sariling kalusugan bago ang pagiging ‘relevant’ sa industriya
  • Ito ang sagot niya sa isang Instagram user na nagkomento tungkol sa pagiging ‘irrelevant’ na niya ngayon
  • Ayon kay Kris, hindi na worth it para sa kanya ang limelight dahil malaki ang kapalit nito

Hindi na raw worth it para sa kalusugan at peace of mind ni Kris Aquino ang limelight.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Ito ang sagot niya sa isang Instagram user na nag-comment sa kanyang post at sinabing sana ay maibalik ang dating status ni Kris bilang “premiere endorser” ng bansa. “It seems like you are slowly fading into the shadow of irrelevance…Magpasab0g ka ulit,” sabi ng Instagram user.

Sagot ni Kris, malaki raw ang kapalit kung pipilitin pa niyang manatiling relevant kaya naman “chill” na lang siya kung ganoon man ang nangyayari. “I am pretty chill about becoming ‘irrelevant’ because the price to pay fighting to stay relevant wasn’t worth my health or my peace of mind.”

Sabi pa ni Kris, napagtanto niya na mali ang hindi pakikinig sa mga nagsabi sa kaniya noon na sapat naman na ang kinikita niya para hindi magutom ang kanyang mga anak.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

“So many have told me, ‘You have enough’ (in the material sense), and my sons are in no danger of going hungry. So I was working hard because I was protecting something that now seems much less important: my ego,” sabi niya. “I worked too many days when I should have listened to my body all because of the mistaken notion that protecting work commitments meant more than prioritizing my wellness.”

Kaya naman ngayon daw ay wala nang dapat hintayin na “pasabog” mula sa kanya. “I have outgrown that. It took so much prayer for me to be at peace with who I am and where I am,” sagot pa niya.

Payo naman niya sa nag-comment, na isipin na lang ang sarili nitong professional standing at huwag na ang kanya.

Matatandaang inamin ni Kris na nakikipaglaban siya sa isang “form of lupus.” Kinumpirma niya rin na may mga endorsement siyang hindi na-renew at film na hindi na matutuloy dahil sa mga conflict sa schedule. Nakilalang “Queen of All Media” si Kris dahil sa noo’y kabi-kabilang endorsements, talk show, game show, at movies.

Loading…