Lalaki sakit ng katawan ang inabot matapos pasukin ang bahay ng 82-anyos na isa palang bodybuilder

Imahe mula sa 13 WHAM-TV via AP
  • Isang lalaki ang sumubok na nakawan ang isang 82-anyos na babae sa New York
  • Ang hindi niya alam, award-winning bodybuilder ang babae, kaya naman sakit ng katawan ang inabot niya rito
  • Maging ang mga rumespondeng pulis ay humanga sa lakas ng senior citizen kaya hindi nila napigilang makipag-selfie rito

Huli na nang matauhan ang isang kawatan sa New York na nagkamali ng napiling bibiktimahin dahil ang matandang babaeng akala niya’y maiisahan niya ay isa palang award-winning bodybuilder.

Imahe mula sa Unsplash | Jesper Aggergaard

Kinilala ang kahanga-hangang babae na si Willie Murphy, 82 anyos. Kuwento niya, matutulog na dapat siya nang isang lalaki ang kumatok sa kanyang pinto at sinabing kailangan niya ng ambulansya.

Agad naman daw itong tinulungan ni Murphy ngunit hindi niya pinapasok ang lalaki. Laking gulat niya raw nang makarinig ng ingay at makitang nakapasok na ito sa kanyang bahay.

Dahil madilim na sa kanyang bahay, nangapa umano ang suspek.  Naging oportunidad ito ni Murphy para kumuha ng mesa na binuhat niya at ginamit laban dito. Nang masiguradong napuruhan na ang lalaki, kumuha raw siya ng isang bote ng shampoo at binuhos ito sa suspek at saka niya ito pinalo ng walis.

Napahanga ng matanda ang mga pulis na rumesponde at nakipag-selfie pa raw sa kanya ang mga ito.

“He picked the wrong house to break into,” sabi ni Murphy. “I was whaling on that man because I said to myself, ‘If it’s my time to go to hell, I’m taking him with me!’”

Dahil sa lakas ng katawan ni Murphy ay nagamit din ng lalaki ang ambulansya na ipinatawag niya.

Imahe mula sa Unsplash | Victor Freitas

Kahit may edad na, halos araw-araw pa rin umanong nagwo-workout si Murphy. Ayon sa kanya, kaya niyang bumuhat ng 225 pounds na mahigit pa sa doble ng kanyang timbang. Nagagawa niya rin daw mag-one handed pull ups at pushups.

Noong 2014, naiuwi niya ang World Natural Powerlifting Federation Lifter of the Year award.

Humanga naman ang mga netizen sa lakas at tapang ni Murphy. “An inspiration,” sabi ni Princess Summer. Sabi naman ni Jerrmin Ranwani, “hard work really pays off.”

Mapapasaludo ka talaga kay lola!

Loading…