Lasang Walang Kupas! Hindi mo rin ba pinalagpas ang mga hopia ng “Tipas”?

  • Natakam ang netizens sa ibinahaging larawan ng hopiang baboy sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • Ito ay hopia umano mula sa Tipas Bakery
  • Matatagpuan ito sa lungsod ng Taguig na kanilang ipinagmamalaki dahil sa de–kalidad na lasa ng hopia

Kung mahilig ka sa pagkain ng hopiang baboy, hopiang ube, at hopiang munggo, isa sa mga sikat na nagtitinda nito, na bahagi na rin ng kultura at panlasang Pilipino ang mga hopia ng Tipas Bakery na matatagpuan sa Tipas,  Taguig City.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Isang Facebook user na nagngangalang Boyet Gaspar ang nagbahagi ng larawan ng hopiang baboy mula sa Tipas Bakery na nagpatakam naman sa netizens, sa Facebook page na “Memories of Old Manila”. Ayon sa kaniyang Facebook post, madalas daw na ipasalubong sa kanilang magkakapatid ang hopiang Tipas.

“Hopia ng Tipas… isa sa mga madalas ipasalubong ng tatay ko sa aming magkakapatid noong araw.”

Nagbigay naman ng komento rito ang netizens. Nagbahagi rin sila ng kanilang anekdota o kuwento pahinggil sa mga hopiang tinda mula sa Tipas.

“Still one of our favorite snacks. I really love the crust! Meron pa niyan sa Quiapo, bukod sa Taguig, kabibili ko lang, sinadya ko pa talaga!”

“All time favorite ko iyan!!! Kahit iyan lang at kape solve na lunch ko kapag tamad mag–prepare ng tanghalian sa bahay.”

“Tipas is a place in Taguig. I love their hopia. Cheaper than other brands. Kailan lang ay may nagbigay sa akin niyan na taga Tipas, at talagang mainit at masarap talaga! Doon sa kanilang lugar mismo ang gawaan.”

“My lunch could be Tipas hopia and fresh buko juice kapag alanganing oras at ako’y nasa biyahe noon at rush ang mga orders… walang time to eat leisurely.”

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng Tipas Bakery

Ang Tipas ay isa mga bumubuo ng orihinal na kanayunan sa bayan ng Taguig. Ang mga unang taong naninirahan, sa kabilang dako ng Tipas o sa kabila nang kailugan ng Tipas ay tinagurian ng mga Tagalog na “Ibayo”. Nang lumaon, ang Ibayo ay lumawak at umunlad, ito ay nakilala na sa tawag na Barangay Ibayo-Tipas.

Isa ang Tipas Bakery sa mga maipagmamalaki ng Taguig na pag-aari ng pamilyang Flores. Ang produktong ito ay nakakarating sa lahat ng bahagi ng Pilipinas. Ito ay maituturing na isa sa maunlad na barangay sa bayan ng Taguig dala ng ibayong kasipagan ng mga mamamayan.

Loading…