Laugh trip: Mga transmission towers, nag-jumping rope daw kaya walang kuryente

  • Trending sa social media ang tatlong transmission towers na naglalaro ng jumping rope
  • Edited lang naman ang video pero naghatid ito ng good vibes sa maraming netizens
  • Biro pa ng uploader, kaya daw pala walang kuryente sa kanila dahil naglalaro ang mga transmission towers

Kahit mahal ang singil sa kuryente, ayaw naman ng marami sa atin na walang suplay ng elektrisidad. Sa isang tropikal na bansa tulad ng Pilipinas, kalaban ang matinding init kaya naman kailangan natin ng tulong ng mga electric fan at air conditioning units na pinatatakbo ng kuryente.

Gayunman, isang video ang trending ngayon sa Facebook na sagot daw kung bakit madalas mag-brownout sa lugar na tinitirhan ng isang netizen. Ito raw ay dahil sa mga transmission towers na naglalaro ng jumping rope. Paano ito naging posible?

I-click ang larawan upang mapanood ang video

In-upload ng netizen na si Jezekiel King Manahan na mula sa Oriental Mindoro ang video ng tatlong transmission towers na naglalaro ng jumping rope. Edited lang naman ang video kung saan pinagalaw ang mga tore ng kuryente. Nagsilbing jumping rope ang mga kable ng kuryente at ang dalawang transmission towers ang nagpapaikot sa wires. Ang tower naman sa gitna nila ang nagsisilbing player at tumatalon sa rope.

Biro ni Manahan sa kanyang post, kaya raw pala madalas na brownout sa kanilang lugar ay dahil sa mga ‘makikireng’ mga transmission towers na imbes na mag-supply daw ng kuryente ay nakukuha pang maglaro.

“Kaya pala brownout na naman mga lintek na ire katatalandi,” sabi ni Manahan sa kanyang viral na Facebook post na mayroon nang mahigit 3,600 reactions na karamihan ay ‘haha’ at tumatagingting na 15,000 shares may dalawang linggo matapos i-upload.

Proud rin ang mga kaibigan ni Manahan sa kanyang post na ngayon ay mayroon na ring halos 600,000 views sa Facebook. Kanya-kanyang comment din ang mga netizens na nakapanood ng video. Hindi nila mapigilang matawa sa ‘kalokohan’ ni Manahan na talaga raw mahilig magbahagi ng mga nakaka-good vibes na post sa social media.

Larawan mula sa Facebook post ni Jezekiel King Manahan

Ang mga netizens naman na nagse-share ng video ay may kanya-kanya ring komento sa laugh trip na video ng mga naglalarong transmission towers. Ayon sa kanila, kailangan na raw bantayan ng mga electric company ang mga tore dahil hindi na nito ginagawa ang kanilang mga trabaho.

“Calling *electric company*, kaya pala laging walang kuryente dahil sa mga kireng tower na ito. Pakibantayan at puro laro na lang yata sila,” sabi ng netizen na nag-share ng video.

Loading…