Libo-libong Divisoria vendors magsasagawa ng protesta laban sa Manila City government

  • Magsasagawa ng protesta ang Divisoria Vendors’ Association sa harap ng Andres Bonifacio Shrine sa November 18, 2019
  • Inaasahang libo-libong vendors ang magtitipon sa lugar
  • Humiling ng isang pakikipagdayalogo ang mga vendors kay Mayor Isko Moreno

Nagbanta ang grupo ng mga vendor sa Divisoria na magsasagawa ng protesta kontra sa ipinatutupad na clearing operation ng bagong administrasyon ng Manila City government.

Imahe mula sa Manila PIO

Ayon sa Divisoria Vendors’ Association, ang ginagawang clearing operations ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ay nagresulta sa pagkawala ng ikinabubuhay ng kanilang mga pamilya na umaasa lang sa pagtitinda sa mga bangketa.

Sinabi ng grupo na sa Lunes, ika-18 ng Nobyembre, ay libo-libong vendors ang magtitipon-tipon  sa harap ng Andres Bonifacio Shrine na malapit sa Manila City Hall kung saan isinasagawa ang lingguhang flag ceremony.

“Thousands of vendors from Divisoria will conduct a protest action to express their dismay over the series of clearing operations conducted by the local government unit as early as June 13, displacing the mostly women and elderly vendors and cutting off their only source of income for the everyday needs of their families,” ayon sa official statement na inilabas ng grupo noong Linggo, ika-17 ng Nobyembre.

Humiling umano ang kanilang grupo ng isang pakikipagdayalogo sa alkalde pagkatapos ng flag ceremony sa Lunes. Umaasa umano sila na maibabalik ang kanilang ikinabubuhay kasabay ng Christmas rush.

Screenshot mula sa video ng Manila PIO

“The vendors also requested a dialogue with Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso after the Monday flag ceremony, hoping that they could have their livelihood back in time for the Christmas rush,” ayon pa sa DVA.

Maraming vendors sa Divisoria ang naapektuhan ng clearing operations na isinagawa ng Manila City government, pero pinayagan din silang muling makapagtinda sa piling lugar doon sa kondisyong pananatilihin nilang nadadaanan ng mga sasakyan at mamimili ang mga kalsada.

Nauna nang nagbanta si Mayor Isko na magiging malungkot ang Pasko ng mga vendors kung susuway sa kondisyong inilatag ng city government.

Noong nakaraang linggo, muling pinaalis ng alkalde ang mga sidewalk vendors sa Ylaya Street sa bahagi ng Binondo dahil nadatnan nito ang mga ga-bundoik na basura nang magsagawa ng surprise inspection.

Screenshot mula sa CNN Philippines video

Muling nakiusap ang mga vendors na bigyan pa sila ng isa pang pagkakataon, subalit hindi natinag ang mayor sa kanyang desisyon.

“May hangganan ang lahat. Hindi ko naman puwedeng pangibabawin na lang ‘yung puro puso, masasakripisyo ‘yung higit na nakararami. That’s unfair governance,” mariing pagtangi ng alkalde sa pakiusap ng mga vendors.

Loading…