Lifetime validity ng passport ng senior citizens, isinusulong

Imahe mula sa Pixabay
  • Ipinasa ni Sen. Lito Lapid ang Senate Bill No. 1197 na magbibigay ng lifetime na bisa sa passport ng mga senior citizen
  • Ito raw ay upang hindi na pumila o dumayo pa sa mga consular office ang mga senior citizen
  • Kung maipapasa, dagdag ito sa marami nang batas na nagpoprotekta at nangangalaga sa mga senior citizen

Bilang pagpupugay sa mga senior citizen, ipinanukala ang batas na magbibigay ng lifetime validity sa kanilang passport upang hindi na sila paulit-ulit na mag-asikaso nito.

Imahe mula sa Senate.gov.ph

Layunin ng Senate Bill No. 1197 ni Sen. Lito Lapid na gawin lifetime na ang mga bago at renewed passport ng mga Pilipinong may edad 60 pataas.

“This proposed measure aims to further ease and give comfort to the lives of our senior citizens – by granting lifetime validity for Philippine passports issued or renewed in their favor from the age of sixty years (60) and above,” sabi ni Lapid sa explanatory note ng kanyang bill. “This is a way of giving back for their innumerable contributions to the family and to the community, as a whole.”

Kapag naipasa raw ito, hindi na kakailanganing pagdaanan ng mga senior citizen ang hassle ng pag-apply at pag-renew ng passport tulad ng pagdayo pa sa consular offices.

Imahe mula sa Pixabay

“Through this lifetime validity, our senior citizens are spared from the rigorous process and long lines often associated with passport application and renewal,” paliwanag ni Lapid. “This is also beneficial to senior citizens who live far away from city centers where DFA Consular Offices are usually situated.”

Dagdag ito sa mga umiiral nang batas para mapakikinabangan ng mga senior citizen.

“From retirement pensions to free medical assistance to discounts in goods and services  of the importance and significance we ascribed to our lolos and lolas who have worked for and took care of us during their prime years,” sabi niya.

Source :

Inquirer

Loading…