Luis Manzano inalala ang nakaraan; sarili niyang “quote” sa yearbook pinagtawanan

  • Kinatuwaan ng netizens ang Instagram post ng mahusay na host na si Luis Manzano
  • Tungkol kasi ito sa quote na inilagay niya sa yearbook sa paaralan
  • Marami rin ang natuwa sa kaniyang cute na larawan noong bata pa lamang siya

Kaysarap balikan at alalahanin ang nakaraan, lalo na ang mga panahong tayo ay mga musmos pa lamang. Kung noon ay iniiyakan, pinagdadabugan, o masyadong sineseryoso ang mga bagay na “maliliit” lamang, ngayon ay pinagtatawanan na lamang natin.

Kagaya na lamang ng nakaaaliw na Instagram post ng mahusay na host–actor na si Luis Manzano nitong Nobyembre 3, 2019 kung saan ay inalala niya ang panahon ng kaniyang pagkabata, at pinagtawanan ang sarili sa “quote” na inilagay niya sa yearbook niya noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Ang yearbook ay nagsisilbing souvenir ng mga mag–aaral na nagsipagtapos na sa isang paaralan o pamantasan.

Ayon sa caption ni Luis: “Ano pinagsasasabi ko dyan?!?!? HAHAHAHAHAHAHA bangag ba ako noon??? HAHAHAHAHHAHA nakanguya Yata ako ng maduming tsinelas. Pero sabagay, pwede naman simulan sa ‘a wise philosopher once said’…”

Imahe mula sa Instagram account ni Luis Manzano

Makikita sa kuhang larawan ni Luis na siya pala ay naging miyembro ng Chess Club at at Basketball Team na naglaro sa Intramurals. Sa ibaba nito ay ang kaniyang pinagtawanang quote na “Life and nature are two things needed in our everyday life. Life needs nature; while nature also needs life. It is like a cycle that happens everyday, maybe we didn’t yet notice it, but it happens all day and night.”

Nakitawa rin ang netizens sa cute na quote ni Luis. Nagbigay sila ng komento hinggil dito.

“Ano yan??? Hahaha. Siguro due na, tinatanong na ng teacher mo at pinapatapos na sa’yo. Hahaha.”

“Wow totoy ka pa diyan sir Luis hahaha nice cute picture. Nakakatuwa rin ang quote mo. Ako nga ang inilagay ko sa ganiyan ko, ‘Give your smile to everyone but give your heart to only one’ hahaha.”

Si Luis Manzano, na tinatawag na “Lucky” noong bata pa lamang siya, ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kasintahan siya ng aktres na si Jessy Mendiola.

Public Domain Image

Loading…