Lutang moments: Instant noodles sa cup, nalagyan ng hot chocolate imbes na mainit na tubig

  • Marami ang na-good vibes sa karanasan ng isang netizen na nais lang kumain ng cup noodles
  • Imbes kasi na hot water, hot choco ang naging sabaw ng kanyang noodles
  • Hindi naman siya nag-iisa dahil marami daw netizens ang na-wow mali na rin sa dispenser ng convenience store

Takbuhan ng marami sa atin ang instant noodles. Kapag nagtitipid pero nais mabusog, kumakapit tayo sa mga instant mami at canton. Kung on the go ka naman o ‘di kaya ay nasa trabaho pero gusto pa rin ng noodles, mayroon namang variant na nasa cup at tanging mainit na tubig na lamang ang kailangan at maaari nang kainin.

Ngunit mayroong isang epic fail na karanasan ang isang netizen. Nais niya rin sanang kumain ng cup noodles kaya naman nagpunta siya sa isang sikat na convenience store. Pero imbes na mainit na tubig ang inilagay niya, hot choco ang naibanli niya sa kanyang noodles.

Larawan mula sa Facebook account ni Kim Ouano

Ibinahagi ni Kim Ouano sa kanyang Facebook post ang larawan ng tinawag niyang “hot choco bulalo.” Napuno na niya ng hot choco ang cup bago niya napansin na hindi pala mainit na tubig ang nailagay niya. Marami ang na-good vibes sa post ni Ouano at umabot na nga sa mahigit 11,000 likes at 25,000 shares.

May mga netizens na naka-relate sa pagkakamaling ito ni Ouano. Sabi nila, maging sila ay minsan nang nagkamali sa likidong ilalagay sa kanilang cup noodles. Sa mga convenience store kasi, magkakatabi lamang ang hot water dispenser at coffee and chocolate dispensing machine. Mayroon ding machine na nasa gitna ng coffee at chocolate variants ang hot water, na tulad ng machine na ginamit ni Ouano.

“Naku, naganito ako once. Bubu kasi wala sa bundok! Kahiya,” sabi ng isang netizen na nakaranas na rin ng tulad sa pagkakamali ni Ouano.

Ang ilang netizen naman ay gustong matikman ang kombinasyon ng chocolate at bulalo na cup noodles. May ilan pa nga na binibiro si Ouano dahil sa bagong flavor ng cup noodles na naimbento niya. Maaari daw itong pag-eksperimentuhan ng mga noodle factories.

Larawan mula sa Facebook account ni Kim Ouano

“Hoy ang sarap. Bagong flavor. Hahaha. Ano kayang lasa ng pinaghalong tsoko at bulalo. Get ready for Lucky Me Supreme Buchoko. LOL,” sabi ng isang netizen na nag-share ng post.

Gusto namang malaman ng ilan kung nagdoble ba si Ouano ng bayad sa convenience store. Umaabot din sa P25 ang isang cup ng hot choco sa mga convenience store. Kung nagbayad siya, na-doble na ang gastos niya, hindi pa siya nakakain.

Loading…