Mag-aaral gumawa ng blankong kuwento bilang gawain sa paaralan dahil pag-uusap daw iyon ng dalawang pipi

  • Viral sa Facebook ang kakaibang kuwentong gawa ng isang mag-aaral
  • Blangko raw ang kanyang papel dahil ang kuwento niya raw ay tungkol sa dalawang pipi na nag-uusap
  • Benta naman ito sa mga netizens at sinabing gagayahin daw nila ang akdang iyon

Maraming requirements sa school na kailangang gawin ang isang mag-aaral. Nariyan ang iba’t ibang school projects, reports, role playing, at minsan ay may kantahan at sayawan pa na kahit labag sa loob mo ay gagawin mo pa rin para sa grado.

Kabilang din sa mga school requirements na ito ang pagsulat ng iba’t ibang akda. Karaniwang sa mga asignaturang Filipino at English tayo pinasusulat ng ating mga guro ng mga ganitong uri ng gawain. Pero ang katotohanan, hindi naman lahat sa atin ay may talento sa pagsulat kaya isang pagsubok ito para sa ilan.

Larawan mula sa Facebook post ni Edmon Odonio Cano

Ito marahil ang dahilan ng isang mag-aaral na gumawa ng paraan para malusutan ang gawain sa eskwela. Proud na ibinahagi ni Edmon Odonio Cano sa kanyang Facebook account ang kanyang kakaibang kuwento na bentang-benta naman sa mga netizens.

In-upload niya kasi sa Facebook ang larawan ng kanyang malinis na papel na mayroon palang nakatagong kuwento. Pinamagatan ang kanyang akda ng “Ang pag-uusap ng Dalawang Pipi,” kaya naman daw blangko ang kabuuan.

Makikita naman sa papel ni Edmond na may check naman ito. Mukhang nakalusot ang tahimik ngunit mabentang akda niya na ngayon ay mayroon nang higit 19,000 reactions, 1,600 comments, at 32,000 shares sa Facebook.

Maraming netizens ang nakakuha ng ideya sa akda ni Edmond. Kanya-kanya silang tag sa kanilang mga kaibigan at kakilala upang ibahagi ang kakaibang paraan ng “pagsusulat” ng kuwento. Ayon sa iba, ganitong uri ng kuwento ang gagawin nila.

Larawan mula sa Pexels

May ilang netizens naman na nagbigay pa ng kanilang suhestiyon upang mas maging maganda ang kuwento. Mas kapani-paniwala raw kung gagawin na “Ang Pagtititigan ng Dalawang Pipi.” Habang ang ilan naman ay nagsabing kung sila ang guro ng bata ay blangko rin ang ibibigay nilang marka para sa kanyang gawa. Lol

Ang iba naman, sinasabing ligtas daw sa kopyahan ang ganitong uri ng akda at mas madali rin umano itong basahin sa harapan kung masuwerte kang matatawag ni teacher para ibahagi ang iyong kuwento sa buong klase.

Loading…