Magkapatid na Claudia at Julia Barretto, magkasamang kumanta sa ASAP Natin ‘To

  • Magkasamang kumanta ang magkapatid na sina Claudia at Julia Barretto sa ASAP Natin ‘To
  • Inawit nila ang sikat na awiting “Stand By Me”
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Sa kabila ng kontrobersiya sa kanilang pamilya, magkasamang kumanta sa musical variety show na “ASAP Natin ‘To” ang magkapatid na sina Claudia at Julia Barretto nitong Linggo, Nobyembre 3, 2019. Sila ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Imahe mula sa Instagram account ni Julia Barretto

Inawit ng magkapatid ang touching song na “Stand By Me” na bagay na bagay sa sitwasyon ng kanilang pamilya ngayon, dahil sa gusot na kinasasangkutan ng kanilang magulang na si Marjorie Barretto laban sa kanilang mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Ito ang kauna–unahang paglabas ng dalawang magkapatid matapos ang pagkawala ng kanilang lolo, at ang sigalot sa pagitan ng Barretto sisters.

Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens.

“I’m a little bit emotional. Having a sister is the best thing ever. Hoping thay they will love each other. Huwag sana silang matulad sa mga magulang at titas nila.”

“Let us admit that they are truly both beautiful. Pero sana huwag silang magaya sa mga older Barrettos na sila–sila rin ang nagpupukulan ng putik sa mga mukha nila. Sisters should love each other.

“Wow… so nice pala ang singing voice nila. Yes, family should stand by each other. I love this sisterly love, pero sana totoo at applicable talaga lalo na kina Marjorie, Gretchen, and Claudine.”

“Marjorie, Gretchen and Claudine before ganyan din ka–sweet and loving to each other. Now what happened?”

“Hindi siguro magagalit ang mga tao sa kanila if only they showed gratitude and respect to those who once took care of them. Don’t bite the hand that feeds you and huwag makakalimot sa pinanggalingan.”

I just hope they will not be taking the same steps like their mom and aunts. Maiba naman sana. Matutuhan sana nila na ang isa sa mga napakagandang yaman natin sa mundo ay ang ating mga kapatid.” 

I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang naging performance nina Claudia at Julia via ABS–CBN Entertainment:

Imahe mula sa Instagram account ng ABS CBN Entertainment

Loading…