Makalipas ang 17 taong pagsasama, Aubrey Miles at Troy Montero nagpaplanong magpakasal sa Machu Picchu

  • Halos 17 years nang magkarelasyon sina Aubrey Miles at Troy Montero
  • Kilalang liberated at open-minded ang dalawa na maaaring dahilan kung bakit hindi pa sila kasal
  • Pero inamin ni Aubrey na napag-uusapan na nila ang kasal at nais niyang maganap iyon sa Machu Picchu

Kung masaya, kontento, at secured ang magkasintahan sa isa’t isa, kasal ang alam nating patutunguhan ng kanilang relasyon. Gayunman, dahil na rin sa modernong panahon at modernong pag-iisip ay may ilang successful couples na hindi minamadali ang pagpapakasal.

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Halimbawa nito ang celebrity couples na sina Aubrey Miles at Troy Montero na 17 years na ang relasyon at biniyayaan na ng dalawang anak. Bukod pa rito ang binatang panganay ni Aubrey na anak niya sa dati niyang karelasyon na si JP Obligacion.

Ayon sa isang panayam ng Pep kay Aubrey, naitanong nila sa aktres kung may plano na silang magpakasal ni Troy since ikinasal na rin ang younger brother ng actor na si KC Montero sa Amerika.

Inamin ng aktres at certified fitness trainer na napag-uusapan na nila ni Troy ang kanilang kasal. At gusto pala nitong maikasal sila sa isang “medyo wild” na lugar.

“Gusto ko sa Peru, sa may Machu Picchu,” sabi ni Aubrey. Nakapagtanong na raw sila kung maaari silang magpakasal doon at wala naman daw problema.

Ang Machu Picchu ay isang sinaunang sibilisasyon na nasa ibabaw ng isang bulubundukin lugar sa Peru. Kung relihiyoso ang magpapakasal dito, maituturing na ang seremonya na gagawin dito sa pinakamataas na bahagi ng Machu Picchu ay maaaring sumimbolo sa literal na pag-iisang dibdib nang mas malapit sa Diyos.

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Samantala, sinabi rin ni Aubrey na nais niyang iugnay ang mataas na bahagi ng Machu Picchu sa tagal at tibay ng pagsasama nila ni Troy.

Sa kabila nito, binigyang-diin pa rin ni Aubrey na kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na niya ng kasal at kontento na siya sa anumang estado nila ni Troy. Ngunit bilang isang magulang, nais niyang magpakasal para sa kapakanan ng kaniyang mga anak.

Loading…