Makalumang paraan ng pagpapahinog sa prutas, ibinabaon sa bigas

  • Kinatuwaan ng netizens ang larawan ng makalumang paraan ng pagpapahinog ng mga prutas
  • Sa pamamagitan ito ng pagbabalot ng prutas sa diyaryo at pagbabaon nito sa bigas
  • Marami sa netizens ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa paggawa nito

Ang mga Pilipino raw ay sadyang madiskarte. Lahat ay kayang lusutan, lahat ay kayang gawan ng paraan. Katulad na lamang ng pagpapahinog sa prutas na pinitas kahit na hilaw o bubot pa.

“Relate–much” ang netizens sa ibinahaging larawan ng Facebook user na si “Reno Seno” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” kung saan ipinakikita ang makalumang paraan ng pagpapahinog sa mga prutas. Ito ay sa pamamagitan ng pagbaon nito sa bigas.

Nakalagay sa caption ng Facebook post ang “GANITO ANG GINAGAWA NAMIN NOON KAPAG NAGPAPAHINOG NG PRUTAS.” Makikita sa larawan ang dalawang prutas na atis at avocado na nakabaon nga sa bigas.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng komento hinggil dito ang netizens.

“We’re doing the same when we we’re young, we buried the fruits inside the rice. Only in Pinas! Old sweet memories, indeed!”

“Ganyan ang ginagawa naming magpipinsan sa Bicol kapag nalalaglag ang mga bunga ng avocado sa puno kapag bumabagyo. Those were the days that life was so simple. Reminiscing the past… ganda ng life noon. Nowadays, gumagamit na lang ng calburo, kaya akala mo hinog na kapag binili, saksakan naman ng asim o pakla kapag tinikman.”

“Mainit kasi kapag nabaon sa bigas. Faster ripening rate. Binabalot muna ng nanay ko sa dyaryo bago ilagay sa bigasan. Namimiss ko tuloy si nanay.”

“Yes, ganoon din sa aming lugar, mayroon daw kasing ‘kakaibang init ang bigas’ kaya madaling mahinog ang mga prutas. Namana namin ito sa lumang kasabihan ng mga matatanda.”

Public Domain Image

Madali lamang ang pagpapahinog ng prutas tulad ng mangga, atis, at avocado. Kumuha lamang ng lumang pahayagan o diyaryo at ibalot ito sa mga nabanggit na prutas. Ibaon ito sa bigas sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na araw. Ang pagbabaon kasi sa bigas ay nakatutulong upang mapanatili ng prutas ang ethylene gas na nagpapahinog sa prutas.

Loading…