‘Maraming babies,’ hiling ni John Lloyd Cruz para sa mga bagong kasal na si Vhong Navarro at Tanya Bautista

Imahe mula sa video ni Vicki Belo via Instagram
  • Naging mailap si John Lloyd Cruz simula nang mag-indefinite leave ito mula sa showbiz
  • Ikinatuwa ng netizens ang pag-post ni Dr. Vicki Belo ng video clip na nagpapakita ng bahagi ng mensahe ni John Lloyd para sa kaibigang si Vhong Navarro at sa asawa na nitong si Tanya Bautista na ikinasal sa Kyoto, Japan
  • Sabi niya, sana raw ay magkaroon ng maraming babies ang mag-asawa dahil sa tingin niya raw ay ang mga ito ang magpapaganda ng mundo
Imahe mula sa Instagram | Vhong Navarro

Ikinatuwa ng netizens ang pagpunta ng mailap na si John Lloyd Cruz sa kasal ng kapwa miyembro ng “Kanto Boys” na si Vhong Navarro sa long-time girlfriend nito na si Tanya Bautista.

Sa Instagram post ni Dr. Vicki Belo na isa sa mga guests na dumayo sa Japan, makikita si John Lloyd na nagbibigay ng mensahe para sa bagong kasal. May caption itong “To all of you who miss John Lloyd Cruz, here is a treat. He still has the charm and dashing good looks.”

Sa video clip, maririnig si JLC na pinapayuhan sina Vhong at Tanya na huwag kalimutan ang mga sinabi ng pari. Humiling din siya ng maraming anak para sa mag-asawa. “Gawa kayo ng maraming baby. Masaya. Parang ‘yon iyong magpapaganda sa mundo. Mas marami pang babies para mapalitan ‘yong mga tulad natin.”

Kamakailan lamang ay namataan si John Lloyd sa isang airport sa Cebu kasama ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Matatandaang sa gitna ng usap-usapan noon tungkol sa relasyon nila ni Ellen ay nag-file ng indefinite leave mula sa showbiz si John Lloyd “to attend to personal matters.”

Click the image to watch the video via Instagram

“John Lloyd Cruz will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence,” sabi noon sa isang pahayag ngunit masugid pa ring sumubaybay ang mga fans sa mga sumunod na kaganapan sa kanyang buhay.

Mangyayari na kaya ang inaabangang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa showbiz?  Matiyaga pa ring nag-aabang ang mga fans at followers ng beteranong aktor na maraming beses na ring nagpakilig sa kanyang mga pelikula at TV series.

Source :

Instagram

Loading…