Marciel Soriano, nagbabalik sa big screen sa horror movie na ‘The Heiress’

  • Nagbabalik-pelikula ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa horror movie na “The Heiress”
  • Gagampanan niya rito ang role ng isang mambabarang kasama ang isa pang magaling na aktres sa sarili nitong henerasyon na si Janella Salvador
  • Positibo si Maricel na marami pa rin ang manonood ng pelikula kahit hindi ito nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil na rin sa magandang istorya at kilabot na dala ng pelikula
Imahe mula kay @maricel.soriano.official | Instagram

Marami na ang nakaabang sa pagbabalik ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa big screen.

Mapapanood muli ang batikang aktress sa sinehan sa kaniyang horror movie na pinamagatang “The Heiress” sa darating na November 27.

Dito ay gaganap siya bilang isang makapangyarihang mambabarang na gagawin ang lahat para maipasa ang kaniyang kakayahan sa kaniyang pamangkin na gagampanan naman ng isa pang magaling na aktres sa sarili nitong henerasyon na si Janella Salvador.

Positibo rin si Maricel na marami ang manonood ng kanilang pelikula kahit bigo itong makapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil na rin sa magandang istorya at kilabot na dala ng kanilang pelikula.

Kapansin-pansin naman na malaki ang ibinawas sa timbang ng aktres sa muli niyang pagbabalik sa big screen.

Sa isang press conference para sa pagpo-promote ng kanilang pelikula, sinabi ni Maricel kung paano niya muling inaalagaan ang sarili at para na rin ma-achieve ang healthier at slimmer figure niya.

“No carbs. Nag-e-excercise na ako. Nag-gym na ako ngayon. Puspusan, effort talaga. Kasi may edad na ako kailangan ko talagang mag-effort,” ayon sa aktres.

Imahe mula kay @maricel.soriano.official | Instagram

Ibinahagi pa ni Maricel ang mga celebrity na hinahangaan niya dahil sa professionalism at pagmamahal sa trabaho. Nanguna si Piolo Pascual sa nabanggit ng aktres.

Nang tanungin naman kung may tiyansa na magkasama sila ni Mega Star Sharon Cuneta sa isang proyekto, sinabi ni Maricel na hindi pa raw ito napag-uusapan.

“Siguro mahaba pang panahon ang tatakbuhin niyan bago pa natin mapuntahan ang part na ‘yan, kasi marami pa tayo ginagawa,” sagot ng aktres.

Source :

ABS-CBN, Youtube

Loading…