Marian Rivera at Gabby Concepcion, magtatambal sa teleseryeng ‘First Yaya’ sa 2020

  • Makalipas ang tatlong taong pamamahinga mula sa paggawa ng teleserye ay asahang muling bibida sa primetime ang aktres na si Marian Rivera
  • Nakipag-usap na ang GMA 7 primetime queen sa creative and production team ng kaniyang teleserye
  • Tiyak na aabangan ng kaniyang mga fans ang kaniyang upcoming teleserye na pinamagatang First Yaya

Magbabalik-teleserye ang GMA 7 ‘primetime queen’ na si Marian Rivera sa 2020. Ang kaniyang upcoming teleserye ay pinamagatang First Yaya.

Noong Nobyembre 28 ay nakipag-meeting si Rivera sa creative and production team na makakatrabaho niya para sa First Yaya. Naroon sa meeting ang senior program manager ng teleserye na si Ali Nokom-Dedicatoria.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Present din sa meeting na iyon ang executive producer na si Joy Lumboy-Pili, ang writer-director na si Joho Nones, at ang managers ni Marian na sina Mike Tuviera at Rams David.

Makakatambal ni Marian sa First Yaya ang aktor na si Gabby Concepcion na una nang nakausap ng creative at production team noong Nobyembre 27.

Ito ang unang pagkakataon na makakatambal nina Marian at Gabby ang isa’t isa sa isang teleserye. Isa rin si Marian sa mga leading ladies na gustong makatrabaho ng aktor mula nang pumirma siya ng kontrata sa GMA 7 noong 2017.

Si Marian ay huling napanood sa primetime noong 2017 sa fantaseryeng Super Ma’am. Si Gabby naman ay sinubaybayan ng mga fans sa romantic comedy teleserye nila ni Jennylyn Mercado —ang Love You Two— na umere mula Abril hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.

Mukhang taon ng mag-asawang Dantes ang 2020 dahil pareho silang may upcoming teleserye. Si Dingdong kasi ang bibida sa Pinoy adaptation ng Koreanobela na Descendants of the Sun kung saan makakapareha naman nito si Jennylyn.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Hindi man pinagtatambal ngayon sa isang teleserye, nananatiling matatag ang DongYang dahil na rin sa kanilang mga fans na nananatiling loyal sa kanilang hinahangaang love team.

Ano kayang naka-lineup na teleserye sa ABS-CBN ang makakatapat ng teleserye nina Marian at Gabby, maging nina Dingdong at Jennylyn? Abangan!

Source :

Pep

Loading…