Mas guwapo si Atong Ang kaysa kay Gerald Anderson – Ethel Booba

  • Mas mapera ang lalaki, lalo raw itong gumuguwapo
  • Ito ay ayon sa paliwanag ni Ethel Booba nang mag-guest ito sa Tonight with Boy Abunda
  • Sinabi ng komedyante na mas guwapo si Atong Ang kaysa kay Gerald Anderson

Nang mag-guest ang “Tawag ng Tanghalan” celebrity grand champion na si Ethel Booba sa programang Tonight with Boy Abunda, natanong siya ng TV host ukol sa kontrobersiyal na lalaki sa buhay ng Pamilya Barretto — ang businessman na si Atong Ang at ang aktor na si Gerald Anderson.

Imahe mula sa Facebook page ng Tonight with Boy Abunda

Tinanong ni Abunda ang komedyante upang kumpirmahin kung totoo bang mas ma-appeal si Ang kumpara kay Anderson para kay Ethel. Siyempre, diretsahan itong sinagot ni Ethel. Aniya mas guwapo si Ang dahil sa yaman nito.

“Para kay Ethel, mas guwapo si Atong Ang kaysa kay Gerald Anderson?” tanong ni Tito Boy sa segment na “Truth or Charot.”

“Truth. Siyempre, mapera! Kapag marami kang pera, gumuguwapo ka nang bonggang-bongga,” natatawang paliwanag ni Ethel.

Si Atong Ang ay naging matunog ang pangalan sa politika nang madawit ang kaniyang pangalan sa impeachment trial noon ni dating pangulong Joseph Estrada.

Isa sa mga negosyo niya ay may kaugnayan sa pagsasabong o ang itinatag niyang Ultimate Fighting C0ck Championship. Isa rin siyang consultant sa isang gaming company.

Si Ang ay nadawit na rin sa alitan ng Barretto sisters nang mabalitang may agawan na nangyari dahil nagkaroon umano ito ng relasyon sa isang pamangkin ng magkakapatid.

Samantala, si Gerald naman ay humarap sa matinding pambabatikos dahil umano sa panloloko niya sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo. Hinihinalang siya rin umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Julia Barretto at Joshua Garcia na posibleng nag-ugat sa pelikulang kanilang pinagtambalan — ang Between Maybes.

Imahe mula sa Facebook page ni Ethel Booba

Si Ethel ay naging viral online dahil sa kaniyang mga nakakatawang tweet sa social media ukol sa isyu sa politika at maging sa showbiz. Naging headline din siya nang isiwalat niyang hindi pa niya natatanggap noon ang talent fees niya mula sa ilang beses na pag-guest sa ilang shows ng ABS-CBN.

Source :

ABS-CBN, Esquire

Loading…