Mataas na buwis para sa mga inuming nakalalasing iminungkahi ni Sen. Pia Cayetano

  • Ipinanukala ni Sen. Pia Cayetan na itaas ang buwis sa alak
  • Sabi ni Sen. Pia Cayetano, nakaka-alarma na ang pagiging sugapa sa alak ng maraming Pinoy
  • Ang alak ay isa umano sa mga nangunguna sa listahan ng mga substance na peligroso sa kalusugan at kaligtasan ng mga tao, komunindad, ekonomiya at kalikasan

Inihain ni Senator Pia Cayetano ang isang panukalang batas – ang Senate Bill no. 1074 – na naglalayong itaas ang buwis sa mga inuming may alcohol upang masawata na ang mga Pilipino na maglasing.

Imahe mula sa Abante

Anang senadora, nakaka-alarma na ang pagiging sugapa sa alak ng maraming Pilipino kaya dapat umanong itaas ang buwis sa  mga alak upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, at higit sa lahat, ang kalusugan ng mga kabataan.

“What we want to achieve is to significantly raise our alcohol prices so that these are not so accessible to the most vulnerable: the children and youth. Hindi po tayo naniniwala na kailangan affordable ang alak sa ating mga kabataan. For example, sa isang bote ng gin, ang karagdagang presyo lang dito ay Php2.00 per shot. Nasa Php6.00 ang isang shot,” wika ni Sen. Cayetano.

Ani Senator Cayetano ang pagiging sugapa sa nakalalasing na inumin ay hindi lang problema sa Pilipinas kundi maging sa lahat ng sulok ng daigdig. Ang pagbubuwis umano ang isa sa mga mabisang paraan upang matugunan ang problema.

“Just to put on record, the WHO (World Health Organization) is very much concerned about alcohol drinking worldwide, and it is its policy to use taxation as part of a comprehensive package to address this concern,” ani Cayetano.

Imahe mula kay Sen. Pia Cayetano

Batay sa Expanded National Nutrition Survey ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute na isinagawa noong taong 2018, mahigit kalahati (55.7%) ng adult population ng bansa ay malakas uminom ng alak.

Ang alak ay isa umano sa mga nangunguna sa listahan ng mga substance na peligroso sa kalusugan at kaligtasan ng mga tao, komunindad, ekonomiya at kalikasan.

Loading…