Matapos ang ‘ghosting’ issue, Bea Alonzo wala na raw kinatatakutang ‘multo’

Imahe mula sa Instagram | Bea Alonzo at Gerald Anderson
  • Hindi na raw takot sa “multo” ang aktres na si Bea Alonzo. Sinabi niya ito matapos ang “ghosting” issue ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson
  • Naging mas magaan daw ang kinaharap niyang problema nang magsalita siya tungkol dito dahil bumuhos ang suporta para sa kanya
  • Nangako rin daw si Bea sa co-star sa Unbreakable na si Angelica Panganiban na ‘di na makikipagbalikan sa ex niya

Tila naka-move on na ang aktres na si Bea Alonzo mula sa break up nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Imahe mula sa video ng Gandang Gabi Vice via YouTube

Sa episode ng Gandang Gabi Vice kung saan guest sina Bea at Angelica Panganiban na co-stars sa upcoming movie na Unbreakable, biniro ni Vice Ganda si Bea na lagi niya itong naaalala noong Halloween.

“Nung Halloween talaga, natatakot ako para kay Bea. Kasi matatakutin ‘to lately sa mga multo, baka makakita ng ghost,” sabi ni Vice.

Imahe mula sa Instagram | Bea Alonzo

Sagot naman ni Bea, hindi na siya takot sa multo ngayon. “Wala na. Tapos na tayo sa multo. Wala na kong kinakatakutang multo ngayon,” sabi ni Bea.

Matatandaang inamin noon ni Bea na na-ghost siya ni Gerald dahil bigla na lang siya nitong hindi kinausap. “To my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” paliwanag ni Bea noon sa press.

Nakatulong daw sa paggaan ng loob ni Bea ang pagsasalita sa publiko tungkol sa kanyang pinagdadaanan.

“Isa ako sa mga tao na hindi ko lagi sinasabi yung nararamdaman ko, but when you free yourself of that, kahit paano, meron ka palang natutulungan. Kahit paano, may tutulong din sa ‘yo,” aniya. “It feels so much better na feeling mo hindi ka nag-iisa.”

Ikinatuwa naman ito ni Vice dahil hindi raw nahihiya ang mga aktres na aminin na nagkakamali sila sa pag-ibig.

“Kayong dalawa, open kayo at ina-acknowledge ninyo na may mga weaknesses kayo,” sabi ni Vice.

Paliwanag naman ni Bea, “Na-realize ko, dapat sila ‘yung mahiya. Hindi kami.”

Nangako rin daw si Bea na hindi na babalik sa kanyang ex-boyfriend at para masiguradong paninindigan ito, sinabi raw niya kay Angelica na silaban ang kanyang bahay kung sakaling makipagbalikan siya rito.

“Makukul0ng ako dahil sa arson,” biro ni Angelica.

Source :

ABS-CBN News

Loading…