May 3rd eye diumano? Jessica Soho, bakit ba ‘di sumasama kay Ed Caluag?

Imahe mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook
  • Sumagot ang award-winning journalist na si Jessica Soho ng 15 tanong mula sa netizens kasabay ng pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”
  • Curious daw ang netizens kung bakit hindi sinasamahan ni Jessica si Ed Caluag sa kanyang mga paranormal investigation
  • Paliwanag naman ni Jessica, may 3rd eye siya kaya ayaw niyang sumama dahil baka sa kanya magparamdam ang mga kaluluwa

Para sa ika-15 anibersaryo ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ay sumagot ng 15 tanong mula sa netizens si Jessica.

Isa sa mga kontrobersyal na tanong ay kung bakit hindi raw siya sumasama sa paranormal investigator na si Ed Caluag sa mga pinupuntahan nito.

Imahe mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

“Kasi baka mawalan ng trabaho si Ed,” pabirong sagot ni Jessica subalit pinaliwanag din niya na bukas ang third eye niya kaya ayaw niyang sumama kay Ed.

Nabuksan daw ito noong nasa kolehiyo siya dahil nag-volunteer siya na ma-hypnotize sa kanyang Psychology class. “Yun pala, pag na-hypnotize ka, sabi nila ‘no, parang nabubuksan ‘yung third eye mo. So alam kong bukas yung third eye ko,” paliwanag ni Jessica.

Nakakita na rin daw siya ng multo sa opisina nila sa GMA at may mga nagpapakita sa kanya sa panaginip.

“Meron din akong mga napapanaginipang tao na hindi ko naman kilala na kakaiba; mga kamag-anak ko rin, sa akin nagpapanaginip so alam ko na kung gugustuhin ko, kaya ko ‘yung ginagawa ni Ed,” sabi niya. “Kaya matakot ka na sa akin, Ed.”

Imahe mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Ngunit ayaw raw itong gawin ni Jessica dahil aminado siyang duwag siya. “Ayoko ho kasi takot ako. Duwag din ako sa mga bagay na hindi maipaliwanag,” aniya.

Kaya naman daw ipinauubaya na niya kay Ed ang mga paranormal investigation sa kanyang programa at hindi na siya sumasama pa rito. “Hindi na ko sumasama kasi baka sa akin pa magparamdman ‘yung mga hindi naman dapat. Kay Ed na lang po kayo magpunta, ‘wag na lang sa akin.”

Kaya naman pala!

Loading…