May snow sa Baguio? Bisitahin ang Christmas Village na ito

Imahe mula sa video ng When in Baguio via Facebook
  • Sagot na ng isang Christmas Village sa Baguio ang pagtupad sa “White Christmas” dreams mo
  • Binuksan ng Baguio Country Club ang Christmas village na may artificial snow at mga karakter mula sa Game of Thrones at Avengers
  • Bukas ito sa mga turista hanggang Enero 5, 2020

Kilala ang Pilipinas bilang isa sa may pinakamasaya at pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo. Kaya naman taun-taon, iba’t ibang pakulo ang naiisip ng mga Pilipino kung paano mas madarama ang simoy ng Kapaskuhan.

Imahe mula sa video ng When in Baguio via Facebook

Ngayong taon, hindi mo na kailangan pang gumastos ng libu-libo at lumayo para lang maranasan ang “White Christmas” dahil ilang oras lang mula sa Maynila ay matatagpuan ang Christmas Village na magpaparanas sa iyo ng “snow.”

Sa Baguio City makikita ang Christmas Village na tradisyon na ng Baguio Country Club. Ngayong 2019, may tema itong “A Christmas Fantasy.” Dinarayo ito dahil sa winter wonderland feeling na dala ng malamig na klima na dinagdagan pa ng pag-ulan ng artificial snow na gawa sa foam.

Bukod dito, tampok din sa Christmas village ang  mga karakter ng Avengers at Game of Thrones. Panagbenga Festival feels naman ang dala ng mga naglalakihang dragon na gawa sa mga bulaklak. Mayroon ding mga Christmas tree na gawa sa mga recycled materials.

“Our Christmas celebration in the city will be fun and exciting because of our unique offerings for this year in partnership with the private sector that will play a key role in the implementation of our programs and projects,” sabi ni Mayor Benjamin B. Magalong  noong soft opening ng Christmas Village.

Imahe mula sa Facebook | Baguio Country Club

Bukas ito mula 2 p.m. hanggang 10 p.m. tuwing Lunes hanggang Huwebes at 10 a.m. to 11 p.m. naman tuwing Biyernes hanggang Linggo at mga holiday. May entrance fee ito na P120 para sa mga adult at P50 naman sa mga bata.

Dagdag na naman ito sa mahabang listahan kung bakit dapat isama sa bucket list ang pagpunta sa Baguio City. Panoorin ito at nang maramdaman na ang saya ng kapaskuhan!

Source :

Facebook, YouTube

Loading…