Mayor Vico Sotto, mariing tinutulan ang isinampang kaso sa tinaguriang ‘Regent 23’

  • Mariing tinutulan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtuloy umano ng kaso laban sa inakusahang ‘Regent 23’
  • Ito ay may kaugnayan sa ginawang pag-aaklas ng mga manggagawa ng Regent Foods Corporations
  • Mahigit sa 500 trabahador ng Regent ang nag-aklas dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila bilang mga manggagawa

Noong Oktubre 16 ng gabi, nag-aklas ang mahigit sa 500 manggagawa na kasapi ng Regent Food Workers Union (RFWU) upang manawagan sa mga namamahala ng Regent Foods Corporation na solusyunan ang mga isyung kanilang nararanasan sa kompanya.

Imahe mula sa Pixabay

Kabilang sa mga isyung ito ay ang mababang suweldo, mga hindi nababayarang benepisyo, at hindi makataong pagtrato sa mga manggagawa.

Nang tumindi ang mga kaguluhan, 23 katao ang kinasuhan at inaresto noong Nobyembre 9. Ayon sa mga ulat, 20 sa mga naaresto ay kasapi ng nasabing unyon.

Dahil nasasakupan, agad namang nanawagan si Mayor Vico Sotto sa mga namamahala ng kompanya na bawiin ang isinampang kaso sa binansagang “Regent 23.”

“Several days ago, I told the owners/management of Regent Foods Corporation that if they did not drop the charges against the ‘Regent 23’ by the end of this week, I would speak out in public,” pambungad na pahayag ng mayor sa Facebook page nito.

Nilinaw rin ni Mayor Vico na noong una ay ipinahayag na niya na bilang local government, hindi sila makikisangkot sa mga labor issues sapagkat trabaho iyon ng Department of Labor and Employment.

Imahe mula sa Facebook page ng Pasig City Public Information Office

Gayunman, dahil mga nasasakupan niya ang tinanggalan ng kalayaan habang lumalaban para sa kanilang mga karapatan ay hindi na mananahimik ang butihing mayor.

“Technically, the complaints were filed by the private security, but the management have admitted that they are behind the complaints. They repeatedly told me, ‘pag-uusapan pa namin sa board’ and ‘will let you know pag nag-desisyon na ang board,’” paliwanag pa ni Mayor.

Ngunit nitong Sabado, ipinaalam umano sa kanila ng abogado ng Regent na wala silang balak na bawiin ang kaso. Dahil dito, binalaan sila ni Mayor Vico at sinabing: “If you want to have a healthy relationship with our city, I highly suggest you rethink your position.”

Loading…