Mekeni skinless longaniza, Picnic hotdog positibo sa ASF – Department of Agriculture

  • Dalawang pork-based products ng Mekeni Food Corporation nagpositibo sa ASF
  • Sinabi ng BAI na positibo sa ASF ang Mekeni skinless longganisa at Mekeni Picnic Hotdog
  • Noong October 26 ay nagsagawa ng boluntaryong product recall ang Mekeni

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI), isang ahensya sa ilalim ng Department of Agriculture, na dalawang pork-based products ng Mekeni Food Corporation ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Imahe mula sa Mekeni

Sa isang press conference nitong Lunes, ika-4 ng Nobyembre, sinabi ni BAI chief Ronnie Domingo na ang Mekeni skinless longganisa at Mekeni Picnic Hotdog ay positibo sa ASF matapos ang isinagawang validation tests.

“Set of samples of longganisa and Picnic Hotdog tested positive for African Swine Fever based on tests conducted,” pahayag ni Domingo.

“With these developments, the DA and the Department of Health through the Food and Drug Administration have agreed to disclose jointly said test results, and name the manufacturer, which is Mekeni Food Corporation,” dagdag pa ng BAI official.

Kasalukuyan pang inaalam kung saan nabili ng Mekeni ang karneng baboy na ginamit sa mga ASF-positive products. Ang mga meat products ng Mekeni mula sa mga bansang Canada, United States at France ay negatibo sa ASF.

“When we went to the factory, parang kumpleto naman sila ng documents pero obviously, there’s something wrong. Kung saan kinuha ni Mekeni ‘yung raw materials, ‘yun ‘yung susunod na parte ng investigation,” sabi ni Domingo.

Naglabas ng statement ang Mekeni hinggil sa isyu.

Imahe mula sa Mekeni

“Mekeni Food Corporation has always fully complied with all the regulations and certifications set by government. It is unfortunate that despite our adherence to these regulatory protocols, specific batches of two of our products, Mekeni Picnic Hotdog Regular 500g and Mekeni Skinless Longaniza (Uncooked) 200g, were found to have DNA traces of African Swine Fever,” pahayag ng kumpanya.

Bago pa man lumabas ang resulta ng pagsusuri na ginawa ng BAI, boluntaryong nagsagawa ng product recall ang Mekeni. Lahat na kanilang pork-based meat products ay tinanggal sa merkado noon pang ika-26 ng Oktubre.

Itinigil na rin ang operasyon ng kanilang pork-based processing facility upang magsagawa ng cleansing at disinfection.

Screenshot mula sa GMA video

Isang third party company ang magsasagawa ng swabbing at testing sa pasilidad ng Mekeni. Papayagan lang na makapagpatuloy ng operasyon ang pasilidad kapag nasigurong ligtas na iyon sa ASF.

Pinaalalahanan naman ni DA Secretary William Dar ang publiko na ang pagbebenta ng ASF-tainted products ay isang criminal offense.

“It is a crime to sell, trade, slaughter sick or dead pigs for meat or for processed pork products. Violators face impris0nment from 6 to 12 years or a fine of up to P1 million,” ani Dar.

Loading…