Mensahe ng paghanga at pasasalamat, bumuhos para sa hero cop ng Misamis Oriental

Imahe mula sa Facebook
  • Isang pulis ang itinuturing ngayon na bayani matapos niyang ialay ang sariling buhay para mailigtas ang mga estudyante sa isang kolehiyo sa Misamis Oriental
  • Isang lalaking may hawak na pampasab0g ang nag-amok doon at sinubukan siyang awatin ng mga pulis
  • Bigla na lamang nitong hinagis ang hawak at upang mabawasan ang impact, dinapaan ito ng bayaning pulis

Police Senior Master Sergeant Jason Magno.

Imahe mula sa Facebook

Habambuhay na tatatak ang pangalan ng hero cop na ito sa mga mag-aaral at sibilyan na nailigtas niya mula sa tiyak na kapahamakan sa Misamis Oriental. Kasama si Police Sergeant Alice Balido, rumesponde siya sa isang tawag tungkol sa lalaking nag-aamok sa Initao College.

Inabutan nila ang lalaki sa covered court na may hawak na pampasab0g. Sinubukan nila itong lapitan at pigilan subalit bigla na lang nitong hinagis ang hawak. Itatapon sana ni PSMS Magno ang pampasab0g ngunit sa huli ay dinapaan na lang niya ito para mailigtas ang mga sibilyan at estudyante na nasa paligid.

“Niyakap niya ‘yung granada. Dinapaan niya ang granada para ‘di malakas ang impact,”  sabi ni Police Captain Princess Velarde, spokesperson ng Misamis Oriental Provincial Police Office.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pasasalamat at paghanga para kay Magno at pakikiramay naman para sa naulila niyang pamilya. “This is a proof that not all heroes wear capes. Salute to you, Sir!” komento ni J Camahalan.

Humanga naman ang marami sa ginawang pagsasakripisyo ng pulis. Unbelievable courage. A sacrifice that cannot be forgotten. My condolences to the family. I hope justice for our fallen hero would be as quick as how his life has abruptly and tragically ended,” sabi naman ni Harzy FR.

“His instinct was to protect. True to his commitment as a police officer. I hope the government takes care of his family,” sabi ni ML Sebastian.

Sabi naman ni Rey Salvador “Your family’s grief will be overshadowed by the great honor that they had you for a son, brother, husband, and father. They must be proud of you.”

Imahe mula sa Facebook

Samantala, nagpahatid din ng pakikiramay ang local government unit ng Initao. “Our condolences to the family of Sir Jason Magno. We lost a hero today. May his soul rest in peace.” Pakiusap din nila, ‘wag nang ikalat ang mga larawan at video ng insidente bilang respeto sa pamilya ni Magno.

Source :

Rappler

Loading…