Mga empleyado ng Star City, nakatanggap ng emergency employment assistance

Imahe mula sa Star City | Euen Cartz Lara
  • Nagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P4.8 milyong halaga ng emergency employment assistance para sa mga manggagawa ng Star City na naapektuhan ng pagsasara nito
  • Sa ilalim ng programa, binigyan ng emergency employment ang 393 sa 500 apektadong mga empleyado
  • Pansamantala muna silang inilipat sa mga opisina na malapit sa Star City

Hindi na magiging malungkot ang Pasko para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa nangyaring sun0g sa Star City sa Pasay City.

Imahe mula sa Star City
Dave John Crucena

Nakatanggap ng P4.8 milyong halaga ng emergency employment assistance ang mga manggagawa ng theme park. Sina Acting Secretary Claro Arellano at Sen. Joel Villanueva ang nanguna sa pagbibigay ng emergency assistance bilang bahagi ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan job at business fair para sa ika-86 anibersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Iniulat ng DOLE na 393 sa 500 na mga manggagawa ng theme park ang napiling maging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, isang emergency employment program na magbibigay ng 10 hanggang 30 araw na employment para sa mga displaced, underemployed, at seasonal na mga manggagawa.

Nabigyan na rin ng orientation ang mga manggagawa na nakapagpasa na ng mga kinakailangang dokumento upang makapasok sa programa. Ang mga nag-qualify ay na-endorso na rin sa government agencies malapit sa Star City sa pakikipagtulungan sa Public Employment Service Office (PESO) ng city government ng Pasay.

Mark Miranda

Bago sila magsimula sa trabaho, bibigyan din sila ng basic orientation tungkol sa kaligtasan at kalusugan, Personal Protective Equipment, at ieenrol sa group micro insurance.

Matatandaang Oktubre nitong taon nang ikagulat ng lahat ang pagkatupok ng malaking bahagi ng Star City, dahilan upang magsara muna ito. Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang malaman kung ano ang pinagmulan ng pangyayari.

Loading…