Mga fans natuwa nang malaman na may girlfriend nang muli si Keanu Reeves

  • Namataan si Keanu Reeves, 55 taong gulang, na ka-holding hands ang isang 46 taong gulang na babae
  • Marami ang natuwa para sa dalawa at agad nag-viral ang mga larawan 
  • Maaalala na si Reeves ay binansagan bilang “internet’s boyfriend” sa pag-aakalang wala itong karelasyon

Makalipas ang halos dalawang dekadang pananahimik tungkol sa kaniyang love life, agad na nag-viral ang larawan ng Hollywood actor na si Keanu Reeves kasama ang kaniyang 46-year-old girlfriend na si Alexandra Grant.

Imahe mula sa Instagram ng Alexandra Grant artist fan page

Ang viral couple ay magka-holding hands na dumalo sa 2019 LACMA Art + Film Gala sa Los Angeles, kung saan naka-base ang American Jewish artist.

Ayon sa GMA News, ang dalawa ay matagal nang magkasama sa maraming proyekto. Bilang isa ring manunulat, nakipag-collaborate si Grant sa librong Ode to Happiness ni Reeves na nailathala noong 2011. Muli silang nagkatrabaho sa ikalawang libro ni Reeves na Shadows noong 2016.

Si Grant ay isa ring philanthropist. Itinatag niya ang grantLOVE Project kung saan nagbebenta sila ng mga orihinal na likhang-sining ng mga kapuwa niya artist upang matulungan ang mga ito.

Isang bukas na libro ang buhay ni Reeves lalo na sa kaniyang mga tagahanga. Alam ng kaniyang mga fans kung gaano magmahal ang binata at kung gaano ito ka-loyal.

Sa kabila ng kasikatan ni Reeves, nananatiling simple ang kaniyang pamumuhay na lalong hinangaan ng kaniyang mga fans. At sa ipinakitang simple affection ng dalawa sa publiko, lalong hinangaan ng mga fans si Reeves. Marami rin ang natuwa para sa dalawa.

Imahe mula sa Instagram ng Alexandra Grant artist fan page

Ayon sa tweet ng isang netizen na si S. Tollison, “Does it make Keanu Reeves hotter that he has an age-appropriate, artist girlfriend? Yes, yes it does. Not in an I-want-him-for-myself way, but a “finally” way.”

“What? Keanu Reeves has a girlfriend? Suddenly I feel like hope still exists in this world,” ayon naman sa tweet ni Rae Jon.

Marami ang natutuwa para kina Reeves at Grant lalo pa’t finally ay nakatitiyak ang mga tagahanga ni Reeves na naka-move on na ang aktor sa napakalungkot na pangyayari sa itinuring niyang love of his life na si Jennifer Syme at ang unb0rn child nilang si Ava Archer Reeves.

Loading…