Mga larawan ng malinis na Manila North Cemetery na ibinahagi ni Mayor Isko, patok sa social media

  • Mga larawan ng malinis na MNC nag-viral sa social media
  • Buong pagmamalaking ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang mga larawan ng malinis na MNC pagkatapos ng Undas
  • Mas kaunti ang basurang nahakot sa MNC ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon

Natuwa ang libo-libong netizens sa ilang larawang ibinahagi ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagpapakita ng malinis na Manila North Cemetery (MNC) makaraang magsagawa ng clearing at cleaning operations ang Manila Department of Public Services (DPS) pagkatapos ng Undas.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Ikinalugod ni Mayor Isko ang mabilis na paglilinis na ginawa ng DPS kaya masaya niyang ibinahagi ang mga litrato ng malinis na MNC.

“After #Undas2019: This is the Manila North Cemetery after clearing and cleaning operations this morning. Thank you DPS,” caption ni Mayor Isko sa mga larawang ibinahagi sa kanyang Facebook account.

Halos umabot ng isang milyong tao ang bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay kaya naman tone-tonelada ring basura ang iniwan ng mga ito sa MNC.

Noong Biyernes, ika-1 ng Nobyembre, ay nagsimula nang maghakot ng basura ang Manila DPS. Umabot sa labindalawang truck na basura ang nahakot noong unang araw ng paglilinis.

Ayon sa DPS, mas kaunti ngayong taon ang mga basura sa naturang sementeryo kumpara noong nakaraang taon.

“Last year naka 20 truckloads po tayo noong November 2 na cleanup drive. Ngayon po nakaka-12, siguro po may tatlong truckloads pa po tayo na naiwan sa loob,” sabi ni Jec Jaring, manager ng DPS-District 3 sa isang panayam.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Upang mapanatili ang pagiging maayos at malinis ng MNC ay nanawagan sa publiko ang alakalde na makiisa sa ipinatutupad na mga patakaran sa loob ng sementeryo. Ipinagbawal rin ang pagtitinda ng mga vendors sa loob nito.

Ilang informal settlers na nakatira sa loob ng MNC ang inalis bago pa ang araw ng Undas.

“Siguro sapat na panahon na rin, halos two dekada, na nakapamuhay sila diyan ng libreng upa. ‘Di ko alam kung libre din ang kuryente nila,” sambit ni Mayor Isko na nagsabing handa siyang tulungan ang mga pamilyang napaalis sa sementeryo upang makabalik sa pinanggalingang probinsya.

“Sabihin nila sakin, bibigyan ko sila ng pamasahe,aniya.

Screenshot ng Facebook post ni Mayor Isko Moreno

Loading…