Mga mag-aaral, boluntaryong tinakpan ang mga mapanghimagsik na pahayag sa pader ng paaralan

  • Tinakpan ng mga boluntaryong mag–aaral ang mga mapaghimagsik na pahayag sa pader ng Araullo High School sa Taft Avenue, Maynila
  • Muli kasing nagsulat dito ang pangkat ng Panday Sining matapos ipalinis ni Mayor Isko Moreno Domagoso
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Bandalismo o kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin?

Iyan ang pinagtatalunan ngayon sa Maynila matapos muling ipabura ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga mapanghimagsik na pahayag na isinulat ng mga militanteng pangkat sa mga nilinis na pader ng iba’t ibang establisyimiento sa Maynila, partikular sa Lagusnilad at Araullo High School sa Taft Avenue, Maynila. Bahagi ito ng muling paglilinis at pagpapaganda sa kabisera ng Pilipinas.

Subalit hindi nagpaawat ang mga pangkat nito kahit na nagbanta si Yorme Isko na ipadidila niya sa kanila ang mga isusulat sa pader upang malinisan ito, Muling naisulat sa pader ng Araullo High School ang mga mapaghimagsik na pahayag.

Nitong Nobyembre 19, 2019 ay nagboluntaryo ang ilang mga mag–aaral ng Araullo High School na matakpan sa pamamagitan ng pintura ang mga mapaghimagsik na pahayag, bilang pagsuporta sa layunin ni Yorme Isko na malinis ang mga pader ng Maynila.

Image capture mula sa video ng Philippine Star

Nagbigay naman ng komento rito ang netizens.

“Truly students have big heart for the betterment of their city. Congratulations and God bless you all with good health and prosperity.”

“Very good… ngayon ay unti–unti nang naliliwanagan ang kabataan… sa palagay ko, iyan ang totoong mulat.”

“Salute to the good students as well as to the faculty of that school! Kabataan ang pag–asa ng bayan. Student activists, you all must emulate this kind of students. Mas mainam pa ang magtulungan kaysa sa mag–ingay sa kalsada.”

“I know these students feel good knowing they cleaned it up, but I am apprehensive how they will feel if the vandalism gets repetitive.”

Image capture mula sa video ng Philippine Star

Samantala, wala pa namang pahayag ang pangkat ng Panday Sining sa aktong ito ng mga mag–aaral sa Araullo High School.

Loading…