Mga mag-aaral, nagbayanihan sa pagpipinta ng mga poste ng LRT sa Maynila

  • Pinintahan ng mga boluntaryong mag–aaral mula sa iba’t ibang paaralan at pamantasan sa Maynila ang mga poste ng LRT 1 sa Taft Avenue hanggang Arroceros
  • Bahagi ito ng pagpapaganda sa Maynila
  • Humanga naman ang netizens sa mga mag–aaral

Nagbayanihan ang mga mag–aaral sa iba’t ibang paaralan at pamantasan noong Sabado, Nobyembre 9, 2019, sa pagpipinta ng mga poste ng LRT sa Maynila bilang bahagi ng pagpapaganda nito.

Ang mga mag–aaral na ito ay nagmula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Universidad de Manila, University of Santo Tomas, Adamson University, Polytechnic University of the Philippines, Philippine Normal University, Colegio de San Juan de Letran at De La Salle University.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star

Ang beautification project ng Maynila ay nasa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan at Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau o MTCAB.

Ang mga ginamit na kagamitan at pintura ay inisponsoran ng kompanyang Davies Paint. Pinintahan ng mga mag–aaral ang support ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 mula Taft Avenue hanggang Arroceros.

Ayon kay MTCAB Chief Charlie Duñgo, naisip nilang mas mainam na lagyan ng mural ang mga poste ng LRT upang maging masining ito, sa halip na vertical garden na may kamahalan.

“’Yung pangarap natin na vertical garden, hindi pa kaya sa ngayon dahil mahal siya, kaya nag-isip kami kung paano makakatulong para mapaganda, naisip namin magkaroon ng mural.”

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa netizens.

“Good example as students at dapat pamarisan… They spread LOVE & PATRIOTISM… Congratulations! Of course, it shows mahal nila ang Manila.”

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star

“While it is beautiful… It could have been more of use beyond aesthetics if these are actually converted to vertical gardens.”

“It takes one good leadership to bring back the beauty and pride of Manila. May Manila continue to shine with its people. Great beautiful talents students!”

“This activity embodied one of our Filipino values: bayanihan. Ang sarap tingnan! Salute to the students!”

Ang lahat ng ito ay kredito sa “Yorme Isko effect” na nagbibigay ng inspirasyon sa mga taga Maynila upang ipanumbalik ang ganda at sigla nito.

Loading…