Mga magigiting na atletang Pilipino sa iba’t ibang palakasan, nagkasama sa isang larawan

  • Nagkasama–sama sa isang larawan ang mga sports icon ng Pilipinas
  • Sila ay sina Akiko Thompson, Efren “Bata” Reyes, Paeng Nepomuceno, Bong Coo, Lydia de Vega, Onyok Velasco, at Alvin Patrimonio
  • Ibinahagi ito sa Facebook page ng Philippine Bowling Federations, Inc.

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsama–sama sa isang group photo ang mga magigiting na Pilipinong atleta sa iba’t ibang palakasan kaugnay ng nagaganap na Southeast Asian Games o SEA Games 2019 sa Pilipinas.

Makikita sa naturang pinag–usapang larawan ang mga sports icons na sina Akiko Thompson sa larangan ng swimming, Efren “Bata” Reyes sa billiards, Paeng Nepomuceno at Bong Coo sa bowling, Lydia de Vega sa track and field, Onyok Velasco sa boxing, at Alvin Patrimonio sa basketball. Ibinahagi ito sa Facebook page ng Philippine Bowling Federation, Inc. nitong Nobyembre 28, 2019.

“GOAT gathering! Mabuhay ang Atletang Pilipino! Akiko, Efren, Paeng, Bong, Diay, Onyok, Alvin.”

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Bowling Federations, Inc.

Natuwa naman ang netizens sa kanilang nakita. Umani ito ng positibong reaksyon.

“Actually Jaworski, Caloy Lozaga, and Pacman na lang kulang here. A total of more than a hundred SEA Games medals among these icons!”

“Goodluck Team Pilipinas! They are the Sporting greats! Hard to duplicate their massive talents! They were there in the glorious years of Philippine Sports!”

“That should be! They’re all masters in their field, disciplined and indeed lovable bunch. Mga dapat tularan.”

“Ganyan sana magkaisa tayo.. hindi puro puna… mabuhay ang mga atletang Pilipino at ang sambayanang Pilipino… Greatness overload!”

“Hope they have passed down their genetic traits to their children they are rare I might say they are gifted and talented and the lucky ones in the genetic lottery. Ang hirap pantayan ng mga karangalang ibinigay sa Pilipinas ng mga atletang ito…”

Bagama’t puno ng kontrobersiya ang SEA Games, marami pa rin sa mga Pilipino ang umaasam na makasusungkit ng gintong medalya ang mga atletang Pilipino. Goodluck, team PH!

Public Domain Image
Source :

Facebook, News 5

Loading…