Mga magsasakang nagbebenta ng palay sa NFA dumami dahil sa magandang presyong alok ng ahensya

  • Bilang ng mga magsasakang nagbebenta ng palay sa NFA, dumarami
  • Mas mataas ng dalawang piso kada kilo ang alok na presyo ng NHA kumpara sa presyong alok ng mga commercial millers
  • Libreng pinagagamit din ng NFA ang kanilang drying facilities sa mga magsasaka

Dumarami na ang mga magsasakang nagbebenta ng kanilang aning palay sa National Food Authority (NFA) dahil mataas nila itong naibebenta sa ahensya.

Imahe mula sa Tempo

Binibili ng NFA ang mga palay ng mga magsasaka sa halagang P19 kada kilo. Mas mataas ito ng dalawang piso kada kilo kumpara sa presyong ibinabayad ng mga commercial millers.

Sa Bulacan ay dumoble na ang  bilang ng mga magsasaka na nagtutungo sa NFA para magbenta ng kanilang palay. Mula sa dating dalawampu ay naging apatnapu’t lima na ang bilang nila. Maging ang mga kooperatiba na dati ay nasa tatlumpu lang ay umabot na sa mahigit pitumpung kooperatiba na nagbebenta ng kanilang ani.

Sa Guimba, Nueva Ecija naman ay dumagsa ang mga magsasaka sa mga bodega ng NFA dahil bukod sa mas mataas na presyo ng palay ay libre pa silang pinagagamit ng drying facilities ng ahensya. Mas mataas ang bentahan ng palay na tuyo (P19 per kilo) kumpara sa palay na bagong ani o basa (P14 per kilo).

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang karagdagang P2 sa tinatawag na palay support price ay makapagbibigay ng karagdagang P8,000 sa mga magsasakang umaani ng apat na tonelada sa bawat ektarya.

Imahe mula sa NFA

Inatasan ng DA ang NFA na ibenta na nito sa mga retailers ang lahat ng mga NFA rice na nakaimbak sa mga bodega nito sa halagang P25 per kilo upang maibenta sa publiko sa halagang P27 kada kilo. Kapag bumaha ng murang NFA Rice sa merkado ay posibleng bumaba rin ang presyo ng mga commercial rice.

Ang halagang malilikom mula sa pagbebenta ng NFA rice sa mga retailers ay gagamitin upang ipambili ng mga palay mula sa mga magsasaka.

Source :

YouTube, Abante

Loading…