Mga plato na gawa sa dahon ng saging inilunsad laban sa plastic pollution

  • Mga platong gawa sa dahon ng saging inilunsad kontra sa plastic pollution
  • Ang mga banana leaf plates ay ginawa ng mga young Peruvian entrepreneurs
  • Ang mga plato ay mabubulok sa loob lang ng 60 days

Isang grupo ng mga kabataan mula sa bansang Peru ang naglunsad ng isang proyektong tinawag na “Chuwa Plant” upang makatulong na mabawasan ang paggamit ng mga plastic.

Imahe mula sa Megaweb4u

Sa pamamagitan ng ambisyoso nilang proyekto ay nakalikha sila ng mga disposable na mga plato na gawa mula sa mga dahon ng saging upang maibsan ang environmental pollution sanhi ng labis-labis na paggamit at pagtatapon ng mga plastic.

Ipinaliwanag ni Josue Martin Soto Cancino na ang disposable banana leaf plates ay gawa mula sa dahon ng saging, papel at cardboard cellulose.

Ani Soto, ang nilikha nilang banana leaf plates ay idinesenyo para mabulok o ma-decompose sa loob lamang ng 60 days o dalawang buwan, samantalang ang mga platong gawa sa Styrofoam ay mabubulok lang makalipas ang 500 years.

Sabi pa niya, direkta silang nakikipag-ugnayan sa mga banana cultivators sa Peruvian Amazon. Hindi na umano nila kailangang pumutol ng mga dahon mula sa puno ng saging dahil ang binibili nila ay ang mga patapon nang dahon mula sa banana farming.

Single-use lang at heat and liquid resistant ang kanilang environment-friendly plates na hindi nagtataglay ng carcinogenic styrene, isang byproduct ng petrolyo, na karaniwang matatagpuan sa mga plastic products.

Imahe mula sa Chuwa Plant

Ang Chuwa Plant project ng mga young Peruvian entrepreneurs ay lumahok sa isang contest ng “Innovate Peruvian Program”; isang organisasyon na nakatuon sa pagsusulong ng mga bagong business ideas na environment-friendly.

Nakatanggap ang grupo ng $15,000 mula sa organisasyon at ginamit nila ito sa pagbili ng mga makinarya para makagawa ng banana leaf plates.

Sa kasalukuyan, ang grupo ay nakagagawa ng 50,000 plates kada buwan. Sa ngayon ay may kamahalan ang banana leaf plates kumpara sa mga disposable plastic plates, subalit pinag-aaralan nila  kung paano maibababa ang presyo nito.

Imahe mula sa Chuwa Plant

Loading…