Mga puslit na karneng baboy mula sa China ang ugat ng ASF outbreak sa bansa – DA

  • Mga pork products mula sa China na ipinuslit papasok ng Pilipinas ang ugat ng ASF outbreak sa bansa
  • Napag-alaman na ang mga pork meat mula sa illegal shipment ay k0ntaminad0 ng ASF
  • Ang illegal shipment ay food waste umano na galing sa mga hotel at restaurant sa China

Isinisi ng Department of Agriculture (DA) sa mga karne ng baboy na ipinuslit mula sa China ang pagkalat ng African swine Fever (ASF) dito sa bansa.

Imahe mula sa PNA

Isiniwalat ni DA Secretary William Dar na ang illegal shipment mula sa China na dumating sa bansa na nakumpiska ng mga awtoridad sa Port of Manila noong buwan ng Oktubre at idineklara bilang  tomato paste at vermicelli ay nadiskubreng naglalaman ng mga pork products.

Matapos ang ginawang pagsusuri sa mga meat products ay nakumpirmang k0ntaminad0 ang mga iyon ng ASF.

“That concludes really that this (ASF) has been introduced by bringing it (contaminated pork products) here, smuggling it here, introducing it here,” pahayag ni Dar.

Ang mga karne ng baboy ay food waste raw ng mga hotel, restaurant at maging airlines sa China. Posibleng nakarating ang mga kontaminadong karne sa Rizal Province at ipinakain ng mga local hog raisers sa mga alagang baboy ang mga food waste.

‘Yong mga food waste from hotels, restaurants, even the airlines, ‘yong mga food waste nila ay dinump sa Rodriguez, Rizal at may nagkolekta ng swill feeds at ipinakain sa baboy. Doon nag-umpisa,” ani Secretary Dar.

Imahe mula sa Bureau of Customs

Nakikipag-ugnayan na ang DA sa Manila City government at sa National Meat Inspection Service kung magsasampa ng reklamo laban sa mga taong sangkot sa illegal shipment.

Samantala, inihahanda na ng DA ang planong pagpapatupad ng ASF zoning plan na naglalayong mapigilan ang ang pagkalat ng sakit ng mga baboy.

Ayon kay Dr. Reildrin Morales, director of task force on swine diseases, ang Visayas at Mindanao ay iddedeklarang free zones kung saan ang mga pork products ay malayang maipadadala kahit saan.

Imahe mula sa Bureau of Customs

Ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region ay idedeklara naman bilang surveillance zones.

Lilimitahan naman ang access sa pork products sa mga lugar na idedeklarang infected zones.

Loading…