Mga tatay na kasama ang anak sa pagtambay, kinaaliwan online

  • Viral ngayon sa social media ang grupo ng kalalakihan na nakuhanan ng larawan habang nasa kalsada
  • Kinaaliwan ang mga ito ng netizens dahil kasama nila ang kani-kanilang anak sa tambayan
  • Maliban doon, makikitang patuloy ang kanilang pag-aalaga sa mga anak habang nakatambay kasama ang mga kaibigan
Imahe mula kay Jellyann Roque | Facebook

Normal na sa atin na makitang mga kababaihan ang nag-aalalaga sa kanilang mga anak. Ito kasi ang kadalasang nangyayari habang ang lalaki ay naghahanapbuhay para may maipakain sa pamilya.

Sa social media, kinaaliwan ang grupo ng mga kalalakihan na nakuhanan habang sila ay nasa kalsada. Marami ang natuwa sa kanila lalo’t bitbit nila ang kanilang mga anak habang nakatambay sa labas ng kanilang mga tahanan.

Sa litratong ibinahagi ni Jellyann Roque sa Facebook noong November 16, kapansin-pansin ang ilang mga lalaking may buhat na mga bata habang nakatambay sa kalsada.

“Mga iniwan ng asawa. Haha. Charot!” pagbibiro ni Jellyann sa kaniyang post. Dagdag niya, “Ganiyan dapat kapag tatambay isasama anak.”

Sa umpisa ay aakalaing nakatambay lamang ang grupo ng kalalakihan. Subalit kung tititigan nang mabuti ang larawan ay mapapansin na kani-kaniyang inaalagaan ng mga lalaki ang mga buhat nilang bata.

Halimbawa rito ang isang ama na hinehele ang kaniyang anak para patulugin. May isa rin na inaaliw ang hawak niyang bata habang pinapainom ng gatas.

Imahe mula kay Jellyann Roque | Facebook

Makikita naman ang isang lalaki sa kaliwang bahagi ng larawan na inaalagaan ang batang nakasakay ito sa stroller.

“Parusa ni Eva tawag diyan. Hahaha,” pagbibiro ni LB sa comment section.

Sa kasalukuyan ay umani na ang larawan ng higit 14,000 reactions at higit 43,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…