Mga tuyong dahon, bukod sa maaaring gawing confetti, maaari ding palamuti

  • Maaaring gawing confetti ang mga tuyong dahon
  • Bukod dito, maaari din itong gawing palamuti o disenyo sa mga artworks gaya ng scrap book, mosaic, at iba pa
  • Ito ay isang paraan upang malimitahan ang paggamit at pagsasayang ng mga papel

Sa patuloy na paglobo ng populasyon ay ang pagdami rin ng mga basura o kalat na patuloy na nakapamiminsala sa Inang Kalikasan. Dahil dito, matagal nang hinihikayat ang publiko na maging maayos sa pagtatapon ng mga basura sa dapat nitong kalagyan, at maging matalino sa muling paggamit ng mga bagay na patapon na ngunit may silbi pa; katulad na lamang ng mga tuyong dahon na nagkalat sa bakuran.

Imahe mula sa Facebook page na The Juan Effect

Ayon sa Facebook page na “The Juan Effect“, sa halip na itapon kaagad ito o sunugin, maaari itong gawing confetti. “Dry leaves — sustainable idea in the replacement of paper confetti!”

Iba–iba naman ang komento rito ng netizens.

“Nice idea! Pagkatapos gawing confetti, tiyakin lamang na dadakutin at ilalagay sa compost pit para maging pataba o fertilizer. I used to make mosaic made up of leaves for my projects during my college days.”

“I think this idea would be perfect for autumn/spring–theme weddings, eco–friendly pa! Paging all couples and wedding coordinators out there!”

“Same as I wanted to do a long time ago, leaves and twigs. But make sure na hindi rin magkakalat kasi ganoon din iyon. You have to dispose these dry leaves properly.”

Public Domain Image

“I don’t think so. Both are from plants and will make the same mess. A better idea is to have no confetti at all. I don’t like it though.”

Ang pagsasaboy ng confetti ay isang simbolikal na paraan ng pagbubunyi na ikinakapit sa isang tao, okasyon, o pagdiriwang tulad ng kasal, pagkapanalo sa isang palaro, at marami pang iba.

Samantala, matapos gawing confetti, at kung ayaw pa itong itapon, maaari itong gawing palamuti sa mga scrap book, mosaic, at iba pang art work. Kunin pa ang iba pang mga natitirang tuyong dahon at maging matiyaga nga lamang sa paggupit ng iba’t ibang mga hugis at presto—hindi na kailangan pang gumamit at magsayang ng mga papel!

Naging malikhain ka na, nakatulong ka pa sa kalikasan!

Loading…