Morissette Amon humingi ng paumanhin sa ginawang pag-walkout sa concert

  • Morissette Amon humingi ng paumanhin sa ginawang pag-walkout sa concert
  • Si Morissette ay isa sa mga guests sa birthday concert ni Kiel Alo sa Music Museum nang mangyari ang walkout incident
  • Partikular na humingi ng paumanhin ang singer kay Jobert Sucaldito, Kiel Alo at Mario Dumaual

Ilang araw matapos ang kontrobersyal niyang pag-walkout sa isang concert kung saan isa sana siya sa mga nakatakdang magtanghal ay nag-sorry ang singer na si Morissette Amon.

Imahe mula sa Instagram account ni Morissette Amon

Sa kanyang social media account ay nagbigay ng pahayag ang singer hinggil sa pangyayari. Binanggit niya ang concert organizer na si Jobert Sucaldito at ang talent nitong si Kiel Alo na nagdiwang ng kaarawan sa pamamagitan ng nasabing concert.

“Took some time to process things despite the schedules before me, but with much prayer and as I have never done this before, please let me start by saying sorry  to Tito Jobert, and Kiel Alo who was celebrating his birthday concert at the Music Museum that night, what I’ve done was out of character but I still do take full responsibility,” ani Morissette.

Ang walkout incident ay naganap noong ika-6 ng Nobyembre. Bago magsimula ang concert ay na-interview ng reporter na si Mario Dumaual si Morissette kung saan naitanong sa singer ang kanyang kalagayan sa ginta ng mga isyu sa pamilya.

Ang ama ni Morissette na si Amay Amon ay tutol umano sa relasyon ng anak kay Dave Lamar na isa ring singer.

Bagama’t natapos nang maayos ang panayam sa kanya ng reporter, tila minasama ito ni Morissette at napabalitang nag-break down siya matapos ang panayam dahilan kaya hindi na siya nakapagtanghal.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

“I guess I was also triggered by the surprise interview minutes before performing, regarding the issues between me and my family. This private matter is something I purposely did not want to openly share for fear that healing might not prosper between us. The moment got the best of me, and it wasn’t fair to those who expected me to come out onstage as one of the concert’s guests that evening,” paliwanag ng singer.

Humingi rin siya ng paumanhin kay Mario Dumaual.

“I also want to apologize to Sir Mario Dumaual who, I was told, felt bad about the situation. I understand completely that he was only doing his job and values it as much as I do mine,” aniya.

Narito ang buong pahayag ni Morissette:

Screenshot ng statement ni Morissette Amon

Loading…