Nagkaroon na rin ba kayo ng rice dispenser?

  • Natuwa ang netizens sa lumang larawan ng rice dispenser na ginagamit noon
  • Ito ay kahalintulad ng automated teller machine o ATM
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Sa ating mga Pilipino, tipikal sa atin na ang lahat ng mga bagay ay nararapat na nasa tamang lalagyanan. Bahagi ito ng pagiging masinop. Kaya naman, patok sa atin ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga sisidlan: mula sa tipikal na buslo, bilao, hanggang sa mga makabagong kasangkapan gaya ng dispenser. Ang mahahalagang bagay na tulad ng pagkain, partikular ang bigas, ay nararapat na ingatan at ikubli upang hindi masira o mabulok.

Kaya naman “feeling nostalgic” ang netizens sa lumang larawan ng isang rice dispenser na makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na ibinahagi ni “Lodi Jhake”. Sa unang tingin, aakalain ng sinuman na ito ay isang Automated Teller Machine o ATM, subalit ito pala ay isang rice dispenser.

Tanong niya sa kaniyang Facebook post, “Nagkaroon na ba kayo nito dati?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Tumugon naman dito ang netizens.

“Meron kami niyan hanggang ngayon! Tibay nga eh kasi hindi nagagamit kahit 10 sako kasya… pati nga plastic kasya eh, hehehe siguro hindi lang 10 taon ang itatagal nito!”

“Gamit pa namin hanggang ngayon…Tiger ang tatak… hehehe! Tuwang–tuwa ako noong nabili namin ng asawa ko, alam mo kung hindi sakto isang kaban ng bigas ang nabili mo kasi may sukatan.”

“Yes naman… dati nga pinaglalaruan ko pa ang mga pindutan eh, para kasing ATM.”

“Saktong ganyan ang lagayan ng bigas namin noon, sakto pati kulay, nakakamiss naman. Kaya lang hindi raw maganda kasi pababa ang bigas so paubos ang grasya… hahahaha pamahiin nila.”

Ang dispenser ay tumutukoy sa automatic machine o container na ginagamit bilang sisidlan ng mga pagkain at iba pang mahahalagang bagay. Ilan sa mga kilalang dispenser, bukod sa rice dispenser, ay candy dispenser, hygiene dispenser, medicine dispenser, cash dispenser, water dispenser, tape dispenser, label dispenser, wine dispenser, vending machines, at marami pang iba.

Public Domain Image

Loading…