Nakaranas ka rin ba noon? Netizen, ibinahagi ang pagiging “muse” sa isang liga

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang throwback photo nang siya ay naging muse sa isang liga
  • Mapapansing nakasuot siya ng stockings dahil konserbatido ang kaniyang pamilya
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa kaniyang kapwa netizen

Isang netizen na nagngangalang “Emma Rose Acuna” ang nagbahagi ng kaniyang thr0wback photo ng pagiging musa niya sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Ayon sa kaniyang Facebook post, naranasan daw niyang maging musa ng isang koponan sa basketball at naranasang pumarada noong maluwag pa ang mga kalsada.

“Salamat at maaga ako ipinanganak… naranasan ko pa mag–muse sa basketball at pumarada, wala pang masyadong sasakyan noon sa Mc Arthur Hi–way po ‘yan… medyo conservative lang po parents ko kaya kailangan ko magsuot ng stockings na net para daw po hindi labas lahat. Best muse po ako diyan… biro po ng dad ko sa akin kilala niya raw kasi mga judges hahaha… sarap lang balikan.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagkomento naman dito ang netizens.

“Sa probinsya uso pa ang mga parada. Nakakaaliw manood ng parada noon. Hindi pa masyadong liberal ang suot ng mga muse noon. Kapag ang babae ay napiling muse, dapat siyang matuwa. Ibig sabihin, maganda siya.”

“Bakit hindi ka na lang po nag-jogging pants na red. O kaya knee pads para akma sa uniform. Hindi po kasi magandang tingnan na naka- stockings!”

“Uso iyan noon.. may parada talaga bago mag–start ang palaro, ngayon wala nang ganyan.”

“Naranasan ko rin iyan, pagkatapos ng parada namin yung crush na crush kong player, niligawan ako ng 6 months hanggang naging kami ng 2 years… sarap lang alalahanin yung time na kinikilig–kilig ka pa dahil nakikita mo yung crush mo hahaha.”

Ang makonsidera o hiranging “musa” o muse, sa paaralan man o sa mga liga ng basketball, ay itinuturing na isang karangalan ng mga babae. Isa itong bihirang pagkakataong hindi dapat palagpasin ng kababaihan, dahil siya ang nagsisilbing “hiyas” na kailangang ingatan ng isang koponan.

Public Domain Image

Ikaw? Naranasan mo na bang maging musa?

Source :

Facebook

Loading…