Nang dahil sa pag-ibig? Tatlong lalaki, hinuli matapos pumitas ng bulaklak para sa kanilang GF

Imahe mula sa video ng DZMM Teleradyo via YouTube
  • Huli sa akto ang tatlong lalaki na namimitas ng sunflower na tinanim ng local government unit ng Iloilo City
  • Inaresto ang tatlo na nagpaliwanag na para sa kanilang minamahal ang mga kinuhang bulaklak
  • Umapela naman ang isa at sinabing magtatanim na lang siya bilang kabayaran sa kasalanan habang ang isa naman ay tinangging pinitas niya ang bulaklak na nalaglag lamang daw kaya niya pinulot

Sabi nila, lahat ay kaya mong gawin upang pasayahin ang iyong minamahal.

Sa Iloilo City, may tatlong lalaking nahuli sa aktong namimitas ng sunflower na itinanim ng ng Iloilo City local government unit.

Imahe mula sa video ng DZMM Teleradyo via YouTube

Kinilala ang mga lalaki bilang sina alyas “Jason,” Raymart,” at “Ronel.”

Umamin sina Jason at Raymart na para sa kanilang nobya ang pinitas na sunflower. Pakiusap pa ni Raymart, palayain na raw siya at handa siyang magtanim ng mga halaman kapalit ng kanyang ginawa.

Samantala, dumepensa naman si Ronel at sinabing nalaglag na ang sunflower kaya naman pinulot na lamang niya ito. Hindi naman ito binili ng mga awtoridad at tinuloy pa ring sampahan ng kasong malicious mischief ang tatlo.

Noon daw ay bakanteng lote iyun at ginagawang tapunan ng mga basura kaya’t tinaniman ng Iloilo City LGU ng mga sunflower.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento rito. Sana raw ay ganito rin kabilis ang paghuli sa mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.

“The gesture was nice but we should still follow the rules. The action of imprisoning these men is fast, I’m impressed. But what would be more impressive is if there’s faster action on those corrupting and stealing the money of the people,” sabi ni Louise Arielle.

Imahe mula sa video ng DZMM Teleradyo via YouTube

Ito naman daw ang unang beses na nakarinig si Cely Dematera Bernardino ng ganitong kaso.

“Pumitas lang ng bulaklak, nakul0ng na. Mga politiko nga, nagbubulsa, nagbabangko, at nag-iinvest ng pera ng taumbayan, ‘di nakukulong,” sabi niya.

Samantala, may mga pumanig din naman sa Iloilo City LGU at sinabing dapat sundin ang batas. “Ang bawal ay bawal. And for sure meron ‘yang babalang nakasulat. Pag pinalampas ‘yan, baka ‘yung iba sumunod na rin,” sabi ni Raymart Saldo.

Kaya mo rin bang ibigay ang magpapasaya sa iyong minamahal kapalit ng iyong kalayaan?

Source :

ABS-CBN News

Loading…