Napakanta ka na ba ng “Anong paki mo sa long hair ko?”

  • Pinag–usapan ang lumang larawan ng mga lalaking may mahahabang buhok
  • Nauso ang long hair na style noong 60’s hanggang 70’s
  • Marami sa netizens na nakiuso noon ang nakaugnay at sinariwa ang nakalipas dahil dito

“Anong paki mo, sa long hair ko? Inggit ka lang, kasi ikaw, nakakalbo!”

Ang linyang iyan ay mula sa kantang “Long Hair” na pinasikat ng bandang “Weedd” noong dekada ’70. Minsan kasing nauso ang mahabang buhok sa mga lalaki noong panahong iyon, dahil na rin sa impluwensya ng mga banda gaya ng Beatles, at iba pa.

Sinariwa ng isang Facebook user na nagngangalang “LeaDawn LornaJean Espinosa” ang mga panahong uso pa ang long hair sa mga kalalakihan sa Facebook page na “Memories of Old Manila”. Makikita sa larawan ang mga lalaking long hair na nag–aaral umano sa Unibersidad ng Santo Tomas o UST sa Espana, Maynila noong 1971.

“USTe boys 1971. Long Hair lahat, at iisa lang ang sukat ng katawan. Walang mataba lahat slim.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagkomento naman dito ang netizens lalo na ang mga namuhay noong dekada 70. Sinariwa nila ang nakalipas at pinatotohanan ang nakikita sa larawan.

“Teenager kasi sila noong mga panahon na iyan… karamihan naman sa ganyang edad kahit ngayon mga payat. For sure senior citizens na ang mga iyan, at malamang napapanot o nakakalbo na.”

“I don’t know, pero I think hindi iyan mga estudyante ng UST, hindi papayagan ng school admin or mga pari/madre ang ganyan physical looks or grooming, most likely, rock bands iyan sa may Morayta, sa sikat na inuman ng mga college students… kung hindi ako nagkakamali ang name ng Lugar is UNIVELT and ROBINA…”

“Panahon ng hippie time, Beatles, Beegees. These students must have came from the College of Fine Arts and Architecture dahil we were in our shirt, tie and polo barong during those time.”

Public Domain Image

“Well, being part of the 60’s and 70’s,  I had my fair share of everything; long hair, bell bottom pants, elepants, streaked hair, everything, hahahaha. Nice to reminisce those days, the fashion being part of the Flower People!”

Sa ngayon, iba–iba na rin ang nagsulputang hairstyles ng kalalakihan, bukod sa pagpapahaba ng buhok. Wika nga nila, kaniya–kaniyang trip lang iyan!

Loading…