Nasaan ang konsensya? Sen. Marcos inalmahan ang planong rice importation ng DTI kaysa bumili sa mga magsasaka

  • Planong rice importation ng DTI, pinalagan ni Sen. Imee Marcos
  • Hinimok ng senadora ang DTI na itigil ang planong importasyon ng bigas dahil apektado ang mga magsasaka
  • Sinabi ng DTI na aangkat sila ng bigas “on behalf of food chains, supermarkets and small groceries”

“Nasaan ang ating konsensya?” Ito ang malaking katanungan ni Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) sa plano nitong umangkat ng bigas mula sa ibang bansa sa halip na bumili sa mga lokal na magsasaka.

Imahe mula kay Sen. Imee Marcos

Sa 11th Annual World Rice Conference na ginawa sa Makati City ilang araw na ang nakalilipas, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang Philippine International Trading Corporation, isang government-owned corporation na nasa ilalim ng DTI, ay aangkat ng bigas “on behalf of food chains,” supermarkets at small groceries.

“PITC will just import directly on behalf of the food chains, for example. And even open it to smaller groceries, supermarkets na hindi maka-import on their own. PITC can consolidate, integrate, and import for them so they get volume discount,” ani Sec. Lopez.

Sinabi pa ng kalihim na sa mga darating na buwan ay nasa 300 containers ng imported rice ang papasok sa bansa.

Hindi tanggap ni Senator Marcos ang ikinatwiran ng DTI na bababa ang presyo ng bigas dahil sa importasyon. Ang kabuhayan ng mga magsasaka ang lubhang maaapektuhan, aniya.

“Wrong timing si Secretary Ramon Lopez. Kahit pa ikatwiran nilang magiging mura ang halaga ng bigas sa gagawing rice importation, kung kabuhayan naman ng mga magsasakang mga Pinoy ang babagsak, balewala rin ito,” anang senadora.

Imahe mula sa DTI

“Nasaan ang ating konsensya at ano ba ang nasa isip ng mga negosyanteng ‘yan na uunahin pa ang ibang bansa kaysa bilhin ang sariling bigas natin?” dagdag pa niya.

Hinimok ni Marcos ang DTI na itigil ang nasabing plano.

“Maawa naman sila sa mga kababayan nating mga magsasaka na wala na halos kinikita. Itigil nyo yan!” mariing pahayag ni Sen. Marcos.

Source :

PNA, Remate

Loading…