Natatandaan mo pa ba ang kambal ni Lumen sa patalastas ng “Surf”?

  • Pinag–usapan sa netizens ang throwback photos ng kambal ni Lumen sa patalastas ng Surf
  • Sila ay sina Charlotte at Charice Hermoso sa tunay na buhay na paminsan ay napapanood sa ilang mga programa ng GMA Network
  • Marami ang naka-miss sa kambal lalo pa’t naging patok sa masa ang patalastas na ito noon

Napa–throwback ang netizens nang masilayan ang “before and after” na larawan ng sikat na kambal ni Lumen, ang wais na misis, sa patalastas ng “Surf”; isa sa mga tinatangkilik na sabong panlaba sa Pilipinas.

Ang naturang kambal ay sina Charlotte at Charice Hermoso na pawang mga dalaga na. Matatandaang naitampok na sila noon sa news magazine show na “Kapuso Mo Jessica Soho” noong Nobyembre 26, 2017.

Ibinahagi ng Facebook user na si “Aya Ran Fujimiya” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang paghahambing sa larawan ng kambal noong bata pa sila at ngayon na mga dalaga na. Ayon sa Facebook post: “Remember Surf’s Lumen twins? (1st pic). Eto na sila ngayon (2nd pic).”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nanariwa naman sa gunita ng netizens ang naturang kambal.  Sabi ng isa: “Maganda po talaga sila sa personal… kaya hindi ko pinalagpas yung pagkakataon magpapic kasama silang dalawa noong nakita ko sila.”

“Both pretty!” Nasaan na kaya sila ngayon? Parang napanood ko sila before sa teledrama ng Kapuso Network.”

“Naaalala ko pa noon ang patalastas ng Surf. Nakatutuwang isipin sina Lumen, Lando, at Lola Obang. Talagang sumikat sila.”

“Dahil sa pamilya nilang nagdala ng good vibes noon, napabili at napagamit tuloy ako ng Surf.”

Noong 2018 ay nakasama sila sa teleserye ng GMA Kapuso Network na “Inday Will Always Love You” na pinagbidahan ni Barbie Forteza.

Public Domain Image

Samantala, ang wais nilang nanay na si Lumen o si January Isaac sa tunay na buhay ay tahimik na namumuhay sa Amerika kasama ang kaniyang asawang si Wade Bodlovic at dalawang anak.

Panoorin ang lumang patalastas ng Surf via YouTube channel:

Loading…