Netizen nanawagan sa publiko na bumili ng woven wallet na gawa ng mga Mangyan

  • Isang netizen ang nanawagan sa Facebook na tangkilikin sana ang mga produktong likha ng mga katutubong Mangyan sa makatarungang halaga
  • Napag-alaman kasi ng netizen na hindi makatarungan ang presyo na ibinabayad ng mga ahente o middlemen sa ipinagbibiling woven wallet ng mga katutubo
  • Dahil dito, nanawagan ang netizen sa publiko na bumili sa kaniya ng woven wallet at nangakong mapupunta sa mga katutubong Mangyan ang kabuuang kikitain niya

Nanawagan sa Facebook ang netizen na si Andel Reyes sa publiko na tangkilikin ang mga ipinagbibiling wallet ng mga Mangyan weavers mula sa Sitio Cabuyao, Mansalay, Oriental Mindoro.

Imahe mula sa Facebook account ni Andel Reyes

Maaaring bumili kay Andel at tinitiyak niyang mapupunta sa mga Mangyan weavers ang kaniyang kikitain.

“Hello, friends! Your perfect Christmas gifts are here! I am selling the following items in behalf of the Mangyan weavers of Sitio Cabuyao, Mansalay, Oriental Mindoro. All of the amount goes to the weavers,” ayon sa Facebook post ni Andel.

Aniya, nalulungkot siya na malaman na ang isang woven wallet na ginagawa sa loob ng isang oras ang bawat isa ay naipagbibili ng mga Mangyan weavers sa mga middlemen o traders sa halagang ?3.50.

“They accept the amount because they rather receive the amount instead of nothing,” paliwanag pa ni Andel.

Dahil sa pagnanais na matulungan ang mga Mangyan weavers, nagbebenta rin si Andel ng woven wallet na gawa ng mga katutubo sa murang halaga ngunit patas ang presyo para sa mga gumawa nito.

Ang isang malaking wallet na kasukat ng isang pangkaraniwang pitaka ay nagkakahalaga ng ?15.00, Ang mas maliit na sukat naman ay ?5.00.

Imahe mula sa Facebook account ni Andel Reyes

“You may use them as Christmas gifts to your families and friends. Let us provide a fair price for our Mangyan nanays! Bili na! Sa ?150 na milk tea ninyo, makakabili na kayo ng 10 pieces,” dagdag pa ni Andel.

Sana ay marami ang bumili sa mga produktong ipinagmamalaki ng mga kapatid nating Mangyan. Marami sanang matuwa sa makatatanggap ng regalong ito mula sa kanilang mga kaibigan.

Source :

Facebook

Loading…