Ningas sa Alaala: Nakagamit ka na ba ng gasera?

  • Napag–usapan ng netizens ang paggamit noon ng gasera
  • Ito ay gawa sa maliit na garapon, retaso o tela ng damit, na nilalagyan ng gaas
  • Ginagamit ito noong wala pang kuryente o makabagong paraan ng pamumuhay

Noong hindi pa nauuso ang mga makabagong ilawan tulad ng lampshade at iba pa, wala pang linya ng mga kuryente, at hindi pa makabago ang paraan ng pamumuhay o kabihasnan, simple lamang ang ginagawa ng mga Pilipino upang magkaroon ng tanglaw sa gabing madilim: gumagawa sila ng sariling ilawan na mas tipid sa kandila.

Kailangan lamang ng maliit na garapon, retaso o tela ng damit, at nilalagyan ng gaas. Sindihan ito pagsapit ng dilim hanggang magdamag. Ang tawag sa ilawang ito ay “gasera”.

Isang Facebook user na nagngangalang “Love Cee” ang nagbahagi ng larawan ng gasera sa Facebook page na “Memories of Old Manila“.

“Sinong nakaranas ng ilawan na ito?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nabuksan ang kuryosidad ng netizens hinggil dito na nagpaningas sa kanilang alaala, lalo na ang mga nakaranas na makagamit nito.

“When we visited our relatives in the province, ganyan ang ilaw nila noon,but now my linya na sila ng kuryente. Kapag ginamit mo iyan nang magdamagan, tiyak na iitim ang butas ng iyong mga ilong, kaya kailangan mong punasan at linisan ng panyo o tela.”

“I have seen some of my neighbors then, but we didn’t use any, sorry.”

“Gasera tawag ni Tatay at Nanay. Gamit ang tiyani,  hinihila pataas ang mitsa kapag maliit na para lumakas ulit ang liwanag niyon. Miss ko si Tatay at Nanay ko.”

“Ako! Iyan ang gamit namin ng Lolo at Lola ko sa probinsiya noong araw. At iyan din ang dahilan ng pagkasunog ng old family house namin.”

“Matagal kaming gumamit niyan. Sa ganyang ilawan kami lumaki. May asawa na ako nang magkakuryente sa probinsya namin.”

Public Domain Image

Maging maingat lamang sa paggamit ng gasera upang hindi ito pagmulan ng sunog. Ilayo at itago naman ito sa isang lalagyang hindi maaabot ng mga bata upang hindi mapaglaruan.

Ikaw, ano ang kuwentong gasera mo?

Loading…