Occupational permits, puwede nang kunin tuwing Sabado sa QC

Imahe mula sa PIA
  • Hindi na kailangang mag-file ng leave ng mga empleyado sa QC na nangangailangan ng occupational permit dahil magbubukas na ang Business Processing and Licensing Division (BPLD) tuwing Sabado
  • Layunin nitong padaliin ang proseso ng pag-request ng occupational permit para sa mga empleyado
  • Pinaalalahanan naman ang mga nagbabalak na kumuha ng permit na siguraduhing kumpleto ang dalang requirements para maiproseso ang kanilang request

Magandang balita para sa mga empleyadong residente ng Quezon City (QC). Simula sa Nobyembre 23, maaari nang mag-apply ng occupational permit tuwing Sabado.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Joy Belmonte

Inanunsyo ni QC Mayor Joy Belmonte na magbubukas na tuwing Sabado mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. ang Business Processing and Licensing Division (BPLD) office ng QC Hall para tumanggap ng occupational permit applications.

“This way, local residents won’t have to file a leave just to obtain their occupational permits during weekdays,” sabi ni Belmonte. “Malaking ginhawa ito dahil maaari na nilang gamitin ang libreng oras tuwing Sabado para makakuha nito.”

Paalala naman ni BPLD head Margie Santos, kailangang kumpleto ang dala nilang requirements para i-entertain sila.

“To avail of the service, residents need to bring the complete requirements including their laboratory results from accredited testing centers for issuance of health permit/card, plus their latest NBI or police clearance,” sabi ni Santos.

Kailangan din nilang magdala ng Residence Certificate, Yellow Card para sa mga entertainer at therapist, waiver para sa PRC holders, at Alien Employment Permit para sa mga dayuhan.

Para sa mga menor de edad na empleyado, kailangan ng parental consent, birth certificate o baptismal certificate, at valid ID ng magulang o guardian.

Imahe mula sa Manila Bulletin

Bukod sa pagproseso ng occupational permit, magkakaroon din ng HIV Awareness seminar para sa mga aplikante.

Sabi ni Santos, target ng BPLD-QC na magkaroon ng one-stop shop para sa occupational permits sa mga kompanya kung mayroon silang mahigit sa 300 na empleyado simula sa susunod na taon.

“The company simply has to request the BPLD in writing to avail of the service,” paliwanag ni Santos.

Loading…