Opisyal na poster ng Pinoy version ng Miracle in Cell No. 7, inilabas na ng Viva

Imahe mula sa YouTube | VIVA Films
  • Naglabas na ang VIVA Films ng opisyal na poster ng Filipino version ng Miracle in Cell No. 7
  • Tampok sa poster ang lead stars na sina Aga Muhlach at Xia Vigor at ang iba pang mga cast ng pelikula
  • Isa ito sa walong official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF)

Handa na ba ang inyong mga tissue at panyo?

Imahe mula sa Twitter | VIVA Films

Isang buwan na lamang at ipapalabas na ang inaabangang Filipino remake ng Korean film na Miracle in Cell No. 7 kaya naman inilabas na ng VIVA Films ang opisyal na poster nito.

Bida sa poster ang lead stars na sina Aga Muhlach na gaganap bilang Lito at Xia Vigor na gagampanan naman ang papel ni Yesha. Makikita naman sa paligid nila ang portrait ng iba pang mga cast ng opisyal na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival na sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, Joel Torre, Bela Padilla, at Tirso Cruz III.

“Kakaibang regalo ang hatid namin sa inyo ngayong Pasko! Isama na ang buong pamilya at manood ng #MiracleInCellNo7 sa mga sinehan sa December 25!” tweet ng VIVA.

Imahe mula sa YouTube | VIVA Films

Tampok sa pelikula ang kuwento ni Lito, ang mentally challenged na ama ni Yesha. Siya ay nakul0ng matapos maakusahan ng kasong murder. Sa loob ng kulungan, napalapit siya sa ilang mga kapwa preso na tinulungan siyang makasama ang kanyang anak.

Una nang naglabas ang VIVA ng teaser ng makabagbag-damdaming pelikula sa direksyon ni Nuel Naval na ngayon ay may mahigit 2 milyon nang views sa YouTube.

Sabi ng Facebook user na si Gerald Villarin, tiyak na luluha siya sa pelikulang ito. “Maiiyak siguro [ako] kasi Tagalog eh. Mas maiintindihan mo ang emotion nila. Sa original nga, naiyak ako kahit walang subtitles. Ito pa kaya?”

Sabi naman ni Jimby Riosa Bonilla, hindi pa man niya tapos panoorin ang teaser ay umiiyak na siya: “Yung hindi ko pa natatapos mapanood pero hagulgol na ang iyak ko. Ang ganda kasi ng story.”

Tunay na kaabang-abang!

Source :

ABS-CBN News

Loading…