P4.4B pondo para sa pagsasaayos ng Marawi hindi pa rin nailalabas

  • Itinatayang nasa P4.4B halaga ang hindi pa nagagamit na pondo para sana sa rehabilitation at reconstruction ng Marawi City
  • Halos dalawang buwan na lamang ang natitira bago tuluyang ma-expire ang validity ng pondong inilaan para sa pagsasaayos ng lugar at pagtulong sa mga apektadong residente
  • Una nang napagkasunduan ang pagbibigay ng kabuuang P5.1 B pondo para sa Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP) ngunit P740.4 million pa lamang ang nagagamit mula rito hanggang sa kasalukuyan
Imahe mula sa Youtube video ng ANC

Nasa P4.4B pa rin ang hindi pa nagagamit sa pondong inilaan para sana sa rehabilitation at reconstruction ng Marawi City, ayon na rin sa inilabas na datos ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, itinatayang nasa dalawang buwan na lamang ang natitirang panahon bago tuluyang ma-expire ang validity ng allocated funds para sa pagsasaayos ng lungsod ng Marawi.

Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) noong huling linggo ng Oktubre, nasa P740.4 million pa lamang ang nagagamit sa kabuuang P5.1B na nakalaang pondo ng pamahalaan para sa Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP) sa ilalim ng 2018 National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

Nakalaan din ang pondo para mabigyan ng tulong ang mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bakbakan.

Kabilang na rito ang P244.9 million na napunta sa Department of Health (DOH); P213.4 million para sa National Electrification Administration; P133 million ng Department of the Interior and Local Government (DILG); P67.7 million para sa Department of National Defense; P52.3 million na ginamit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR); P26.9 million na napunta sa Presidential Communications Operations Office; at P2.3 million para naman sa National Youth Commission (NYC).

Imahe mula sa Youtube video ng ANC

Ayon din sa nasabing ulat, umaabot sa P4.2B ang pondo nakalaan para sa mga programa at proyekto para sa MRRRP. Mula ito sa P4.4B na hindi pa nagagamit na perang nakalaan para sa pagbabalik ng dating kaayusan sa probinsiya.

Loading…