Pagkaing makamasa! Nakakain ka na ba ng kornik na ibinabad sa suka?

  • Natakam ang netizens sa larawan ng mga kornik na nakababad sa suka
  • Maaari umano itong makagamot ng ubo at sipon
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Likas sa mga Pilipino ang pagiging matiisin at madiskarte. Sa panahon ng kagipitan at walang makain, nagagawan ng paraan upang malamnan ang kumakalam na sikmura. Kung walang ulam ngunit may kanin, mabubusog pa rin basta’t hindi lamang maselan sa pag–ulam ng asin, toyo, patis, mantika, gatas, kape, at lahat na halos ng condiment. Kung inaantok naman, bakit hindi subukan ang pagpapapak ng binabad na kornik sa suka?

Ikinaaliw ng netizens ang ibinahaging larawan sa Facebook page na “KaProbinsya” na nagpapakita ng pagbababad ng kornik sa suka. Ayon sa caption ng Facebook post, maaari itong kainin ng sino mang may iniindang ubo at sipon, bagama’t hindi pa naman ito napatutunayan ng medisina at siyensiya.

“Kapag may ubo at sipon ka, ito lang katapat niyan.”

Imahe mula sa Facebook page na KaProbinsya

Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens. May ilan sa kanila ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagkain ng kornik na nakababad sa suka.

“Wow sarap naman niyan! Kapag wala kaming ulam, iyan ang binibili namin. Solve na solve na kami sa mga ganiyang pagkain noon. Nakakabuhay ng dug0.”

“Dati sa lugar namin sa Maynila, iyan ang paborito naming pagkain at papakin ng mga kaklase ko para hindi kami antukin sa susunod naming klase hahahaha…”

“Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin iyan. Mas masarap kapag spicy flavored ang kornik tapos yung suka, maanghang din at lalagyan pa ng sili at bawang. Ewan ko na lang kung hindi pa umusok ang bibig mo sa labis na anghang hahahaha.”

Ang kornik ay gawa mula sa mga butil ng mais at ginagawang sitsirya. Ang suka naman ay mula sa niyog at isa sa mga paboritong sawsawan o condiment ng mga Pilipino, lalo na sa mga pagkaing maaalat gaya ng tuyo, daing, chicharon, at marami pang iba.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…