Paglipat ng New Bilibid Prison sa isang isolated place, pinag-aaralan

  • Paglipat ng New Bilibid Pris0n sa isang isolated place, pinag-aaralan
  • Isiniwalat ni Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang napag-usapan nila ni BuCor Chief Gerald Bantag na isang “Alcatraz-like” Bilibid Pris0n
  • Ang Alcatraz ay isang facility na nasa isang isla sa Amerika kung saan imposibleng makatakas ang mga preso

Pinag-aaralan na ang paglipat ng New Bilibid Pris0n sa isang “isolated place” o isang malayo at nakabukod na lugar sa layong mahinto ang mga kaso ng pagpupuslit ng kontrabando sa loob ng national penitentiary.

Imahe mula sa BuCor

Sinabi ni Police Major General Guillermo Eleazar na pinag-aaralan na ang panukalang ilipat sa malayong lugar ang piitan.

“Para ‘di madali ang access sa kanila dahil isolated nga to prevent c0ntraband na makapasok,” ani Eleazar, ang hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorial Staff.

Sinabi ni Eleazar na noong siya pa ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay napag-usapan na nila ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag ang pagtatayo ng prison facility na kahalintulad ng Alcatraz.

Ang Alcatraz ay isang pris0n facility na nasa isang isla sa Amerika kung saan imposibleng makatakas ang mga preso.

Sabi pa ni Eleazar, ang Alcatraz-like Bilibid Pris0n ay isang “ideal situation” upang masolusyunan ang patuloy na pagpupuslit ng mga kontrabando sa national penitentiary.

’Yun ‘yung ideal situation na napag-usapan namin ni Director General Bantag,” aniya.

Inilarawan ni Eleazar ang Bilibid bilang isang napakalaking komunidad kung saan talamak ang korapsyon at suhulan.

Screenshot mula sa GMA video

“Nand’un ang corruption, suhulan, kaya lumaki and to the point isa kasing malaking community ‘yan,” anang opisyal ng PNP.

Kamakailan lang ay tinanggal na sa Bilibid ang mahigit limandaang pulis mula sa NCRPO na itinalaga sa Bilibid dahil sangkot ang ilan sa kanila sa pagpapasok ng mga k0ntrabando sa loob ng piitan. Apat sa mga NCRPO cops ang nakatakdang kasuhan at posibleng matanggal sa serbisyo.

Ang pagtatayo ng isang mala-Alcatraz na pris0n facility sa isolated at uninhabited na isla ay nauna nang ipinanukala ni Senator Juan Miguel Zubiri noong nakaraang buwan ng Setyembre

Alcatraz/Imahe mula sa Prison History

Loading…